Tuloy tuloy sa pagbibigay ayuda sila Gob Daniel at Bokal Alex Castro

Published

Ni: Mark Eleogo

Walang puwang ang pamamahinga para sa tambalang Gobernor Daniel R. Fernando at Bokal Alex Castro na susunod na magiging Bise Gobernador sa Lalawigan ng Bulacan dahil nitong nakaraang araw ng Sabado Peb.19, ay naging abala sa pamamahagi ng ayuda sa mga barangay sa Bayan ng San Ildefonso Bulacan.

Libo-libong mga residente ng nasabing bayan ang matyagang naghintay kay Gob. Daniel at Bokal Alex pang tanggapin ang mga pinamamahaging food pack at bigas ng tambalang Fernando Castro.

Ilan sa mga barangay na binisita nila Gob Daniel at Bokal Alex ay ang mga Barangay ng Nabaong Garlang Mataas na Parang at dito ay kitang kita ang pagmamahal at suportang binibigay ng mga mamamayan ng Bayan ng San Idefonso sa pangunguna ng kanilang butihing Mayora Carla Galvez-Tan..

Maiinit ang pagtanggap kila People’s Governor Fernando at para sa makakasama niya na isang bagong mukha subalit luma na sa paglilijgkod, sa katauhan ni Bokal Alex na handang handa para maging susunod ng bise gobernador sa Lalawigan ng Bulacan.

Madaming Bulakenyo ang nagsasabing ito ang tambalang may totoong pagmamalaskit at pagmamahal sa mamamayang Bulakenyo kaya naman hindi uso ang pag papahinga kahit pa araw ng Sabado at Linggo.

Tuloy tuloy ang ginagawang pag-iikot sa buong lalawigan ng Bulacan ng Tambalang Gob. Fernando at Castro at makikita sa mga larawan ang mga ipinamimigay na bigas at food pack grocery ng pamahalaang lalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel at kanyang katuwang na tumatakbong Bise Gob. Castro

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Alsons Power: Energizing Mindanao’s Path to Growth and Development

GENERAL SANTOS CITY – “Alsons Power is helping...

Angeles City council faces P24.6-M ghost employee corruption charges

Angeles City, Pampanga --- The members of the Sangguniang...

Latest Solana and XRP Price Analysis, #Uptober Impacted by Iran’s Attack on Israel?

Iran's attack on Israel dampened the #Uptober tradition in...