Villanueva: Licensure exam fees gawing libre sa mahihirap!

Published

Naghain si Senate Majority Leader Joel Villanueva ng panukalang batas na naglalayong i-waive ang examination fee ng Professional Regulations Commission (PRC) at Civil Service Commission (CSC) para hikayatin ang mga hindi kayang magbayad na kumuha ng professional licensure exams.

Ang Senate Bill No. 1323 o ang “Free Professional Examinations Act”, na inihain ni Villanueva noong Setyembre 2022, ay makakabawas sa pinansiyal na pasanin sa mga nagtapos na kailangang sumailalim sa mga professional licensure exams.

Sinabi ng Majority Leader na dapat ipagdiwang ang tagumpay ni Dexter Valenton bilang unang Aeta na nakapasa sa Criminology Board Exam.

“Si Dexter ay hindi lamang isang inspirasyon sa Aeta community maging sa bawat Pilipino na huwag tumigil sa pangangarap at pagkamit ng kanilang mga layunin,” sabi niya.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang isang kwalipikadong indigent ay “isang tao na wala o hindi sapat ang kita para sa mapunan ang pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya, na maaaring matukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).”

Ayon sa PRC, 633,551 examinees ang kumuha ng board exams noong 2022 kung saan 311,381 ang first time examinees.

Ayon sa panukalang batas, ang mga first time applicant ay maaaring makakuha ng 100% exemption sa examination fee at 50% ng examination fee kung kailangan muling kumuha ng exams 

Nagkakahalaga ang examination fee ng PRC mula P400 hanggang P 1,300 depende sa uri ng examination na kukunin. Samantala, P 500.00 naman ang bayad sa pagkuha ng ang Career Service Examination para sa Professional at Sub-Professional levels ng CSC. Bukod sa examination fees, may iba pang gastusin na kailangang sagutin ng mga examinees bago kumuha ng mga examination.

“Nalulungkot akong isipin na ang ilan sa ating mga graduates ay hindi magagamit ang kanilang pinag-aralan dahil lamang sa hindi nila kayang bayaran ang examination fee para makuha ang kanilang professional license o civil service eligibility,” aniya.

Binigyang-diin din ng Majority Leader na habang bumababa ang unemployment rate ng bansa, ang mataas na rate ng underemployment ay isa pa ring dahilan para alalahanin.

Noong Nobyembre 2022, ang Unemployment rate ay nasa 4.2% na katumbas ng 2.18 milyong Pilipino habang ang underemployment ay nasa 14.4% o 7.16 milyong Pilipino.

“Desidido tayong maghanap ng mga solusyon ang problema ng unemployment sa bansa kaya naman isinusulong natin ang mga ganitong batas upang makatulong na matiyak na ang bawat Pilipino ay hindi lamang magkakaroon ng trabaho kundi isang de-kalidad na trabaho na akma sa kanilang mga kwalipikasyon,” sinabi ng Majority Leader. 

Si Villanueva ang pangunahing may-akda at sponsor ng First Time Jobseekers Assistance Act upang gawing libre ang mga pagkuha ng dokumentong kailangan ng mga first time jobseekers na kinakailangan para sa employment.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Methods to Maximize Impact from Keynote Talks by Motivational Speakers in the Philippines

Keynote talks by motivational speakers in the Philippines...

Youth leadership training on a ‘Halloween’

By Isabela Grace del Rosario CALUMPIT, Bulacan - Instead of...

The House of the Philippines museum in San Diego, CA

By Carmela Reyes-Estrope SAN DIEGO, CALIFORNIA—Active and vibrant leaders and...