Pinuri ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, co-sponsor ng Proposed Senate Resolution No. 877, ang pagsang-ayon ng Senado sa ratipikasyon ng International Labor Organization Convention No. 190 (ILO C190) bilang bagong kapanahunan ng pagsulong ng karapatan at kapakanan ng mga manggagawa.
Ang ILO C190 o “Convention Concerning the Elimination of Violence and Harassment in the World of Work” ay magbibigay ng global framework o pandaigdigang balangkas para matugunan ang karahasan at pang-aabuso sa mga manggagawa, kabilang na ang gender-based violence.
“As early as February this year, we filed a resolution urging the Executive Department to ratify ILO C190, and we are grateful that the President acted immediately and endorsed the Convention for immediate concurrence of the Senate,” sabi ni Villanueva.
“Harmonizing our local legislation with our obligations under ILO C190 is a step towards realizing the world we envision — a world where everyone can contribute and thrive without the fear of violence or harassment; a world where dignity reigns supreme,” dagdag niya.
Naniniwala ang Majority Leader na makakatulong ang kasunduan para tugunan ang karahasan at pang-aabuso sa trabaho, domestic man o sa abroad, at bigyang-proteksyon ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na hindi ligtas sa lahat ng uri ng pangmamaltrato.
“Napakarami po sa ating mga kababayan dito at sa ibang bansa ang nakakaranas ng pangmamaltrato at karahasan. Dapat na po itong wakasan,” diin ni Villanueva.
Ayon sa Department of Migrant Workers, ang tatlong nangungunang bansa na may naitalang labor at welfare cases ng mga OFW ay Riyadh na may 65,136, Kuwait (43,225) at Malaysia (29,049).
“Each number represents a Filipino migrant worker who faced maltreatment, mistreatment, contract violation, contract substitution, sexual harassment, or rape, among others,” sabi ngMajority Leader.
Samantala, sinabi naman sa World Risk Poll 2021 na 60% ng mga manggagawa sa Pilipinas ay nakaranas ng karahasan at pang-aabuso sa lugar ng kanilang trabaho. Sa mga kababaihang biktima, 13% ay sexually harassed, 9% ay psychologically at physically harassed, at 12% ay nakaranas ng lahat ng tatlong uri ng harassment.
“The Senate’s concurrence to this milestone treaty is not only a commitment but a moral imperative to ensure that no worker, here or abroad, will suffer any form of violence and harassment in the future,” pagtatapos ni Villanueva.