Villanueva pinarangalan bilang Asia’s Preeminent Legislator for Outstanding Public Service

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img
Senator Joel Villanueva

Kinilala si Senador Joel Villanueva bilang  Asia’s Preeminent Legislator for Outstanding Public Service sa prestihiyosong Asia’s Modern Hero Awards 2024, na isinagawa noong Agosto 23, 2024 at Okada Manila.

Ang parangal ay iginawad ni Dr. Ronnel Ybañez, founder at chairman ng awards, bilang pagdiriwang sa kanyang pambihirang kontribusyon sa public service sa bansa.

Sa kanyang acceptance speech, nagpahayag si Villanueva ng taos-pusong pasasalamat at muli niyang iginiit ang kanyang dedikasyon sa pagsulong ng mga batas na makikinabang ang bawat Pilipino.

“Being in public service is a great opportunity to serve, especially the unserved,” pahayag ni Villanueva.

“Crafting meaningful laws is such a fulfilling job, and contributing to something bigger than ourselves is an amazing gift from God,” dagdag niya.

Maraming mga mahahalagang mga inisyatiba ang nagmarka kay Villanueva bilang isang mambabatas. Siya ang principal author at sponsor ng mga makabuluhang mga batas, kabilang ang Doktor para sa Bayan Act, Department of Migrant Workers Act,  Work from Home Law, at Tulong Trabaho Law, na nakakatulong para mapaganda ang buhay ng mga Pilipino.

Si Villanueva ay nagsilbi bilang Senate Majority Leader mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2024. Siya ang kasalukuyang chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resource Development, na dati na niyang pinamunuan noong 17th and 18th Congress.

Kilala sa tawag na ‘TESDAMAN,’ ang panunungkulan ni Villanueva bilang Secretary ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) mula 2010 hanggang 2015 ay patunay ng kanyang matagal na pangakong iangat ang buhay ng bawat Pilipino.

Ang Preeminent Legislator for Outstanding Public Service award ay patunay ng walang patid na dedikasyon ni Villanueva sa pagbuo ng mga batas at polisiya na magsusulong ng positibong pagbabago at ng kanyang pangako na magsilbi sa bayan ng may integridad at pagmamahal.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

BDO strengthens community ties in Bulacan with BDO Fiesta

About BDO’s Presence in Bulacan BDO has a combined presence...

𝗕𝗗𝗢 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁

Recent social media posts by Maria Jamila Cristiana Gonzales...

Umbrellas on: Malolos inter-faith, multi-sectors staged protest, unity walk 

CITY OF MALOLOS—Amidst the sun and the rains, different...

GSIS lifts cap on survivorship pension to ensure fair benefits for survivors of gov’t workers

The Government Service Insurance System (GSIS) announced that it...