Villanueva pinuri ang pagsisikap ni PBBM na makahanap ng trabaho para sa mga Pilipino

Published

Pinuri ni Senate Majority Leader Joel Villanueva si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang pagsisikap na makahanap ng oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa.

Ginawa ni Villanueva ang pahayag matapos ianunsiyo ng pamahalaan na sa nagdaang US trip ng Pangulo, maraming kumpanya sa Amerika ang nangakong magha-hire ng mahigit 75,000  Filipino seafarers sa susunod na tatlo hanggang apat na taon.

“Good news po ito sa ating mga kababayang marino. Nagagalak tayo na may maganda silang patutunguhan sa kanilang paglalayag,” sabi ng dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) chief.

“The President is indeed the best salesman of the country and we thank him for reaping investments and jobs for our people from his foreign trips,” dagdag pa niya.

Nagawang makalikom ni Pangulong Marcos ng US$ 1.5 bilyong investment pledges at 6,700 na trabaho sa Pilipinas sa kanyang huling pagbisita sa United States of America.  

“This is a welcome development, especially in addressing the unemployment in the country, which is at 4.8% equivalent to 2.47 million, as of February 2023,” ayon pa sa Majority Leader.

Sinabi pa ni Villanueva na ang pagdalo ni Marcos sa koronasyon ni King Charles III ay patuloy na naglagay sa Pilipinas sa usapin ng investments at trade partnership sa ibang mga bansa.

“The government will continue to strengthen the economy and provide employment to the Filipinos.  At the same time, it would still embark on missions to look out into the world for opportunities that could bring stability and prosperity into the people’s lives,” lahad pa ng senador.

Sa pagsusulong ng kanyang Senate Bill No. 2035 o ang Trabaho Para sa Bayan (TPB) bill, sinabi ng Majority Leader na kailangan ng bansang i-institutionalize ang maraming mga polisya para matugunan ang pakikibaka ng mga Pilipino na magkaroon ng trabaho.

Layunin din ng panukala na gumawa ng long-term employment generation at recovery roadmap ng bansa.

“Habang naghahanap po tayo ng mga trabaho para sa bawat Pilipino dito at sa abroad, mas lalong kailangan ng isang employment strategy para maihanda ang ating labor force sa mga pangangailangan ng industriya,” sabi pa ni Villanueva.

Target din ng panukala na magbigay ng employment policy na komprehensibo, magkakaugnay at future-oriented para matukoy ang dynamic changes sa labor market.

Tutugunan din nito ang mga hamon tulad ng job-skills mismatch at potential skills gap sa mga umuusbong na industriya; access sa active labor market policies; paglawak ng tiyak na pangangailangan ng sektor at mga katulad nito.

“As creating sustainable jobs for all Filipinos is our mission, we are more than ready to defend this bill on the Senate floor this week,” pagtatapos pa ni Villanueva.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

A CELEBRATION OF EXCELLENCE

Governor Daniel R. Fernando, Vice Governor Alexis C. Castro...

Don’t Miss the Insanithink Year-End Special at Viva Café!

Mark your calendars, comedy fans! The year is...