Villanueva-Tugna tandem palalakasin ang kakayahan at kapasidad ng Joni Villanueva Memorial Hospital

Published

BOCAUE, Bulacan–Bukod sa edukasyon para sa mga kabataan para sa kabuhayan at trabaho ng mga mamamayan,  pangunahing itataguyod ni dating Mayor Eduardo “JJV’ Villanueva Jr. at dating Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) Party list Rep Shewrin Tugna ang pagpapalakas ng kakayahan at kapasidad ng Joni Villanueva Memorial Hospital upang lalo pang matugunan ang pangangailangang medical ng mga mamamayan ng Bocaue. 


Ito ang pahayag ni Tugna nitong Sabado matapos tanggapin ang”Posthumous Award” para sa kanyang namayapang kabiyak, Mayor Joni Villanueva na siyang nasa likod ng pagtatayo ng nasabing pagamutan. 


Bago mamatay sa sakit ang alkalde noong Mayo 28, 2020 habang abala ito sa pamimigay ng mga ayuda sa kanyang mga kababayan sa gitna ng matinding lockdown dulot ng COVID-19 ay nailatag na ng alkalde ang proyektong pagtatayo ng ospital sa kanilang bayan bilang kauna-unahang pampublikong ospital sa Bocaue. 

MAYOR JONI VILLANUEVA, CLMA PANDEMIC HERO. Tinanggap ni  CIBAC Party List Rep. Sherwin Tugna, kabiyak ng namayapang si Bocuae Mayor Joni Villanueva ang “Posthumous Award” bilang “pandemic hero” mula kay Carmela Reyes-Estrope, Central Luzon Media Association (CLMA) president kasama ang iba pang mga opisyales at miyembro nitong Sabado sa Bayan ng Bocaue. Larawan ng CLMA 


Noong nakaraang taon ay inagurahan na ang ospital sa pamamagitan ng pondo galing kay Senador Joel Villanueva, kapatid ng namayapang alkalde. Ito ay pansamantalang ginawang extension ng Jose B. Lingad Hospital o Department of Health Regional Hospital na nakabase sa Pampanga. Pangunahing ginamot sa lugar ang COVID-19 patients na may moderate na kaso.


Anti Tugna, ito ang pinagkasunduan nila ni dating Mayor JJV na kanilang pagtutulungan at pagsusumikapan kasama ang patuloy na suporta ng kanilang kuyang senador at ama, CIBAC Party list Rep., Bro. Eddie Villanueva kaya’t masidhi ang nais nilang maipagpatuloy ang napakaraming magagandang proyekto no Mayor Joni kaya’t naghahangad silang  maluklok sa puwesto sa darating na halalan sa Mayo 9. 


Ani JJV, isa ito sa mahabang listahan ng legacy ng kanyang kapatid na kanilang itutuloy at lalong paghuhusayin tanda ng pagmamahal sa kapwa at tapat na paglilingkod na pinangunahan ng kanilang pamilya partikular ang namayapa niyang kapatid.
Dagdag ng dating alkalde, ang lupang kinatitirikan ng nasabing ospital ay donasyon ng kanilang pamilya sa pangunguna ng yumao niyang kapatid. 


Sadyang masaklap at luha ang sinapit ni Mayor Joni noong nabubuhay pa ito ng hindi pumayag ang konseho ng Bocaue na ariinn ng munisipyo ang lupa sa Barangay Igolot upang pagtayuan ng magiging kauna-unahang public hospital ng Bayan ng Bocaue. Kaya naman sa pamamagitan ni Mayor Joni, dating Mayor JJV, Senador Joel at nina CIBAC Reps. Bro Eddie at Tugna ay nai-donate ang milyun-milyong halagang lupa na siya ngang pinagtayuan ng nasabing ospital. 


Sa ngayon, bagama’t wala pa sa puwesto sa lokal na pamahalaan ng Bocaue ay may mahigit ng 200 residente mula sa mga Barangay ng Lolomboy, Bunducan, Taal, Tambubong at Batia ang nabigyan ng puhunan at sumailalim sa training sa Technical Education Skills Development Authority (TESDA) para sa shomai and dumpling at sago gulaman food cart business na in na in na street foods ngayon.
Dagdag nila na Ito ang patuloy na gagawin ng Team Solid, kasama ang mga konsehales ng kanilang tandem, ang siguraduhing lahat ng Bocaueño ay magkakaroon ng trabaho dahil sila ay nakapagtapos ng pag-aaral. Sila ay tutulungan sa scholarship program.


Ang hindi nakapagtapos ng kolehiyo ay bibigyan sa pamamagitan ng TESDA training at puhunan sa mas marami pang ibang uri ng hanapbuhay. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Rolling Arrays Joins Forces with Skyform to Lead HRM Transformation Across APAC

Rolling Arrays, Southeast Asia’s largest SAP SuccessFactors specialist, has...

Introducing Dury Dury | Malaysia Newest Durian Top Seller 2024

Dury Dury a new venture in sealed Durian delivery,...