Dahil sa face to face classes, wala nang pure online classes ngayon sa public schools sa Bulacan

Published

JOYCE MARIE G. DALISAY

Guiguinto National Vocational High School 

Guiguinto, Bulacan

Teacher I 

Hindi ganoon kabilis dumami ang bilang ng ating mga estudyante na nakabalik na sa face to face classes sapagkat ngayong patapos na ang buwan ng Marso ay 13,339 pa lamang sila sa physical classroom learning. 


Subalit sa kabila nito ay isang maitururing na ring malaking  tagumpay ang naabot ng ating Kagawaran (Department of Education) sa ilalim ng tinatahak ng bansa ngayon na  new normal at lowest Alert Level 1 status dahil wala na ngayon isa mang public school sa buong lalawigan ang nananatiling pure online classes. Nasa patuloy na blended modalities pa rin ang ating mga pampublikong eskuwelahan tulad ng pinagsamang online at module, module at face to face o face to face na lamang subalit wala ng naiwang pure online habang nananatili namang marami pa ring online classes sa mga private schools. 


Nang simulan noong unang linggo ng Marso ang in person inside classroom learning sa 44 public elementary at high schools sa 19/24 na bayan at lungsod sa buong Bulacan ay mayroon lamang tayong 5,006 students. 

Batid nating lahat na sadyang may kung anong kakaibang hirap at pasanin ang online class kahit pa tayong mga guro ay handang handa, kahit pa ang ating mga estudyante ay handang handa rin. 


Tila ba sa pagitan natin at ng ating mga mag-aaral ay isang makapal na telon na may magkabilang panig ng mundo na iba’t iba ang kaganapan habang nakababa ito, at nagkikita lamang at nagaganap ang klase tuwing ito ay hahawiin o itataas. Na sa likod ng telon na ito ay ang mga pagsubok at mga pasakit na dinadanas dala ng pandemya at ngayon ay taas ng presyo ng mga bilihin lalo na ng krudo at gasolina dahil sa giyera sa Russia. 


Parang walang presensiya ng puso sa pagitan ng guro at mag-aaral, kung meron man ay tila hindi agad madama at makita dahil sa telon na ito samantalang sa face to face ay ang kabaligtaran nito sapagkat pagoasok pa lang sa klase ay lutang na ang damdamin, sigla, saya at maigting na laman ng puso ng mga mag-aaral na matuto at gayundin tayong mga guro na gawin ang ating tungkulin na magturo, makapagbahagi at makapagbigay ng inspirasyon at gabay.
Tunay na nagtagumpay ang Duterte administration at si DepEd Secretary Leonor Briones at ang buong kagawaran, partikular tayong mga guro na hindi pabayaang pigilan at pahintuin ng COVID-19 ang kinabukasan ng kabataang Pilipino at ginamit ang internet at modular or blended home-based learning subalit iba pa rin ang mas genuine na pag-aaral sa loob ng classroom at walang papantay dito lalo na nga’t mga bata at hindi naman adult ang ating mga mag-aaral. 


Ang nasabing 13, 339 na mga nakabalik sa face to face classes ay 2.65% lamang ng 503,838 na mga mag-aaral sa public elementary at high school sa 325 public schools at tatlong pribadong eskuwelahan sa buong lalawigan. 


Mayroong kabuuang 585 public elementary and high school sa buong lalawigan at 539 lamang kabilang ang 3 pribadong eskuwelahan ang nominated para magbalik sa face to face o iyong mga handa na at nakasunod na sa standards na ibinaba ng Inter Agency Task Force (IATF). Ganunpaman ay 325 lamang ang actual na maaring magbukas na at binigyan na ng approval ng kani-kanilang Local Government Units (LGU).


Mas marami pa rin ang blended module at online na public schools sa bilang na 504 habang 33 na lamang ang nananatiling pure module. 


Inaasahan nating patuloy na magbabalik na sa puspusang normal na face to face classes ang ating lalawigan at bansa sa mga susunod pang buwan at school year lalo na’t patuloy pa rin ang pagdating ng mga bakuna. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Crafting Dreams Together

Josephine Ramos, Junior Writer Susana Grabillo, 55, from Barangay Basiao,...

NLEX Empowers Young Women through BRAVE Program

NLEX Corporation recently launched another woman-centered community development program...

Navigating the Information Ocean: Why Media and Information Literacy Important

Kwento Co Media and information literacy (MIL) has become a...

Supreme silence: Dynasties still unchecked

By Herman M. Lagon When the Supreme Court clarified on...