Walang barrier na kalsada sa Bulakan inirereklamo

Published

BULAKAN, Bulacan-Semplang at pagkalunod ang naghihintay sa mga motorista na dumaraan sa isang coastal barangay sa bayang ito kapag high tide lalo na kung gabi dahil sa walang anumang barrier sa halos magkabilang gilid na napapalibutan ng palaisdaan.


Ayon kay Renato Samonte, 65, isang residente ng Barangay Taliptip, hindi lamang siya ang nahulog dito habang isang madilim pa na madaling araw na binagtas niya ang nasabing kalsada na may mataas tubig dahil sa high tide.


Tuwing high tide, ani Samonte, nag-aabot sa ibabaw ng kalsada ang tubig mula sa palaisdaan sa magkabilang gilid. Halos umano may isang piye ang taas ng tubig kaya’t mistulang dagat ang lugar at napakahalaga ng harang sa magkabilang gilid upang proteksiyonan ang mga motorista.


Aniya, nahulog ang kanyang sasakyan at nagdelikado ang kanyang buhay. Ganoon na lamang ang trauma at takot na kanyang inabot, dagdag niya.

Maayos ang karugtong na bahagi ng kalsada dahil sa mga barriers na ito na ginagawa na ring pasyalan at pahingahan sa hapon. Larawan ni Carmela Reyes-Estrope


“Isa lang ako sa nadisgrasya na, lalo kapag gabi, kasi wala ring ilaw. Taga dito na ako, paano pa ang hindi mga taga rito at lalong hindi kabisado ang daan,” pahayag nito sa NEWS CORE. 


Nakarating din sa kanya ang mga katulad na reklamo at hinaing ng kanyang mga kapitbahay. 


Ikinalungkot ni Samonte na ang ibang bahagi ng kalsada ay may barrier subalit ang may halos 300 metro ay naiwan at walang harang sa gilid na proteksiyon. 


Samantalang ang karugtong na bahagi ng kalsada ay may magandang barriers na nagsisilbi ring benches kung kaya’t ang kahabaan ng kalsada ay tila naging isang maliit na tourist park. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Youth leadership training on a ‘Halloween’

By Isabela Grace del Rosario CALUMPIT, Bulacan - Instead of...

The House of the Philippines museum in San Diego, CA

By Carmela Reyes-Estrope SAN DIEGO, CALIFORNIA—Active and vibrant leaders and...

Secrets Behind Successful Speaking Events in Philippines

Hosting a successful speaking event requires careful planning...