Walang Imposible: Nagkakaisang Bagumbayan ES at Bulakan LGU tungo sa Tagumpay

Published

MA. ANTONIETTA A. ILETO

TEACHER 3

Bagumbayan Elementary School

Bulakan, Bulacan

Ang bawat maliliit na pagwawagi ay resulta ng walang sawang suporta at pagpupunyagi.

Alarma, at pagpanglaw ng pag-asa. Ilan lamang ito sa mga nangyari at bumulaga sa atin ng dumating ang pandemya. Nakakawala ng motibasyon na magpatuloy dahil ang kalaban ay hindi nakikita at higit sa lahat, nakakapanlumo ang distansya na inihatid nito sa bawat isa. May mga oras pang inisip natin kung magbabalik pa sa normal na kalagayan ang lahat, dahil sa tagal natin na nakatago sa apat na silid ng tahanan, tila hindi na ata posible na madampuan pa ni haring araw. Madaming nahinto sa pakikibaka, bumagal ang aksyon at pag-galaw. Tila isang pelikula na nakahinto sa isang senaryo o di kaya’y isang aksyon na pinabagal. Ngunit gaano pa man ito naantala panandali, hindi man naging isang kisap mata lamang ang pagsuong sa bawat araw, hindi naman huminto sa pagtitimon ang pagpapanday ng karunungan.

            Hindi naging hadlang ang “new normal” at ang “Covid-19” upang ihinto ng tuluyan ang edukasyon. Matibay itong naglayag kahit ang alon ng pagbabago ay kanyang sinusuong. Magalaw man ito ay nanatiling matibay dahil ang angkla nito ay ang bawat isang guro at mga nakasuportang mamamayan na nagnanais ng karunungang magbibigay ng magandang kinabukasan para sa lahat.

Pinatunayan ng Bagumbayan ES kaagapay ng Bulakan LGU na walang plano at adhikaing imposible kung magtutulungan ang bawat isa. Ang bawat proyekto at pangangailangan ng sintang paaralan ay matagumpay na natugunan. Nakipagsabayan ito sa daluyong at sigwa ng pandemya bitbit bitbit ang pinaka-matibay na kalasag – ang pagkakaisa. Sa tulong ng buong kasapi ng Pamunuan ng Barangay Bagumbayan kasama ng mga Mother Leaders at SK, naihatid ang pundamental na mga aralin sa bawat tahanan. Inilunsad nila ang Brigada Pagbasa, kung saan sa pamamagitan nito ay tinuruan nila ang bawat bata sa barangay na makabasa. Hindi nila iniwanan na lamang ang maliit na mag-aaral. Bagkus, sinuong nila ang init ng araw at ang layo ng paglalakad masigurado lamang na sa bawat pagkatok at pagtuloy sa bahay ng bawat mag-aaral ay makakapagpunla sila ng kaalaman.

Bukod dito, inihanda na din nila ang paaralan sa mga dapat nitong kailanganin sa pagdating ng araw na maari ng makatapak ang lahat sa pasilyo nito. Hindi madali ang mag-umpisa muli dahil kumpara sa dati, ang pagsisimulang ito ay dapat na magbibigay din ng kasiguraduhan sa aspekto ng kalusugan. Ngunit, sa mga ginuntuang puso ng ilan sa mga mamamayan ng Bagumbayan, ang tila mahirap na pag-uumpisa ay naging madali.

Sa pamamagitan ni Kon. Mariana Calimon, Committee on Health nadagdagan ang mga gamit sa klinika ng paaralan, gaya ng unan, kumot at shower curtain. Isa din si Kon. Marilen Dionisio sa walang sawang nag-abot ng pagsuporta upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng Unique Handwashing Machine na makakasiguro sa malinis na pagbabalik eskwela ng mag-aaral at guro. Sa pakikipag-ugnayan ng Bagumbayan ES sa lokal na pamahalaan, isang matagumpay na Brigada Eskwela ang idinaos sa pangunguna ni Kap. Leandro L. Del Rosario.  Ilan pa sa mga nagawa ng paaralan kasama ng LGU ay ang “100 % registration sa GSP at BSP” na syang pinaglaanan ng oras at dedikasyon nina Sk Chairman Mark Joseph Carpio.

Hindi lamang dito natapos ang walang sawang pagsuporta ng LGU sa Bagumbayan ES, kanila ding binigyan ng suporta ang mga guro na siyang mga bayani sa pagpupunyal ng karunungan sa panahon ng pandemya. Sinigurado nina Kon. Julita Madlangsakay, Ferdinand Baltazar, Committee on Education at Sk Chairman Mark Joseph Carpio na magiging komportable ang bawat guro. Nagbigay sila ng ilang tulong upang makapagpagawa ng uniform ang mga magigiting na guro para sa District Galaw Pilipinas Dance Competition 2022  na kinabibilangan ng 14 na guro na nagbunga ng napakayabong na pagkapawagi. Sa bawat hakbang na ginawa na ito ng Bagumbayan ES ay may isang hanging tumutulong upang ang bagwis ng minamahal na paaralan ay patuloy na lumipad. Isang paglipad tungo sa ikabubuti at ikakauland ng bawat mag-aaral at mga guro.

Patuloy na naging matatag na sandigan ng pagpapanday ng karunungan ang Bagumbayan ES kahit pa nagpandemya. Kasama ng LGU, hindi ito huminto sa hamon ng distansya upang maghatid ng kalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral. Mas pinag-igting nila ang pagtitimon upang mas magpunla ng mga aralin na magbibigay ng tamang direksyon sa bawat isang batang nangangarap ng magandang kinabukasan.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Bulakenyo leaders nanumpa sa National Unity Party (NUP)

LUNGSOD NG MALOLOS—Halos 200 na mga bagong miyembro ng...

Types of Events Featuring Motivational Speaker in the Philippines

In the ever-changing world of personal development and...

Types of Motivational Speakers in the Philippines

In the vibrant and diverse landscape of the...