Walang pasok sa Capitolyo, Malolos, Guiguinto dahil sa ulan at baha

Published

SIYUDAD NG MALOLOS–Dahil sa halos isang linggong mga pag-ulan at pagbaha dala ng habagat na pinalakas ng bagyong Fabian ay idineklarang walang pasok ang Capitolyo ngayong araw, ayon kay Gob. Daniel Fernando. 

Samantala, ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office at iba pang service offices kung may kalamidad ay mananatiling bukas para sa operasyon nito. 

Gayundin, ipinag-utos ni City of Malolos Mayor Gilbert Gatchalian na walang pasok sa lahat ng tanggapan ng city government at maging ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskuwelahan. Wala ring pasok sa munisipyo ng Guiguinto ayon sa deklarasyon ni Mayor Mayor Ambrosio C. Cruz Jr.

Nagsuspinde rin ng pasok sa lahat ng opisina ng Bulacan State University sa main campus sa Siyudad ng Malolos at sa lahat ng Satellite Campus nito.

Binaha ang mahigit kalahati ng lalawigan at naglikas ng may 2,000 residente at nakapagtala rin ng halos P40-Milyon halaga ng nasirang pananim, pangisda at imprastraktura bunsod ng mga pag-ulan.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

10 Telegram Game Airdrops in November, Play the Games and Get Free Coins!

Discover 10 Telegram games offering exciting airdrops in November...

New “Weekday Boost” Promo to Celebrate Karaoke Manekineko Lippo Mall Puri’s Anniversary!

Karaoke Manekineko Lippo Mall Puri is celebrating its anniversary...

National Press Club reinvigorates fight vs. fake news 

PHILIPPINE DAILY INQUIRER Correspondent and NEWSCORE publisher and editor-in-chief...

PCO: ‘SAFER Culture’ key to safer future in fight against fake news

Clark, Pampanga, November 8, 2024 – The Philippine government...