Zero Covid na ang Bulacan public hospital

Published

LUNGSOD NG MALOLOS–Zero COVID-19 case na ang public hospital ng Bulacan matapos gumaling at pauwiin na rin ng mga doctor at nurses ng Bulacan Infection Control Center (BICC) ang pinakahuli nilang pasyente.  


Pinangunahan nitong bago mag-weekend ni Provincial Health Officer II and Bulacan COVID-19 Task Force Vice Chair Dr. Hjordis Marushka Celis kasama ang mga doctor, nurses at staffs ng BICC ang isang send-off ceremony sa 45 year old na lalaking pasyente nila.
Ayon kay Celis, ipinasok at umpisang ginamot ang pasyente sa BICC noong Mayo 19. Samantala, ang mga pribadong ospital naman sa lalawigan ay nagtala na lamang ng 3 admitted patients as of May 25. 


Base rin sa pinakahuling tala ng Bulacan Provincial Health Office, nananatiling nasa mababa, 82 active cases at 13 lamang dito ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Sa kanyang talumpati kanina sa selebrasyon ng Araw ng Pambansang Watawat na ginanap sa Nicanor Abelardo Auditorium sa Capitol grounds, ipinagmalaki ni Gob. Daniel Fernando ang pagiging “Covid free” na ng pampublikong ospital sa lalawigan. Ang BICC ang nag-iisang pampublikong ospital sa lalawigan na tumatanggap at gumagamot ng sakit na COVID-19 simula ng magkaroon ng pandemya ng masabing sakit noong 2020 lalo na noong isang taon ng gawing sentralisado at mas epektibo ang paglunas sa mga tinamaan nito. 

Ang pinakahuling COVID-19 patient ng Bulacan Infection and Control Center habang papalabas ng nasabing pasilidad matapos gumaling sa pag-gagamot at alaga ng medical staffs doon. Larawan mula sa Bulacan Provincial Public Affairs Office 


Muli ring pinasalamatan ng gobernador ang lahat ng front liners ng BICC at ng Bulacan Medical Center sa pangunguna ni Dr. Celis dahil sa kanilang buong-pusong dedikasyon sa kanilang trabaho at pagmamalasakit sa mga kapwa Bulakenyong dinala roon dahilan upang mapagaling sila at makauwing ligtas.


Ani ng gobernador, ang zero COVID-19 record ng Bulacan at ang 82 active cases nito sa ngayon ay isang malinaw na hudyat ng patuloy at lalong lumakas na panalo ng lalawigan laban sa mapaminsalang sakit. Ang 82 active cases aniya ay malayong malayo sa halos lumagpas sa 5,000 active cases noong kasagsagan ng Omicron variant nitong Enero.


Patunay na zero na ang COVID-19 patient admittance sa BICC, nagsimula na noong isang linggo na ibalik na sa kani-kanilang mother duty hospitals ang mga nurses at doctor ng BICC. 

“Marahil sariwa pa sa alaala natin ang mga panahon na walang kasiguraduhan kung kailan o paano matatapos ang laban natin na ito. Ngunit ang pangyayari ngayong araw ay isang hudyat ng pag-asa. Pag-asa na matapos ang dalawang taon, tanaw na natin ang liwanag na bunga ng ating sama-samang pagsusumikap,” pahayag ng gobernador.

May kabuuang 9,508 patients ang na-confine sa BICC simula ng mag-operate ito noong May 2020..

Base rin sa pinakahuling tala, ang Bulacan ay may kabuuang 109,487 total verified COVID cases, 107,709 recoveries at1,696 deaths simula noong Marso 2020. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

NEW PANDI MUNICIPAL HALL

Pandi town officials Mayor Enrico Roque and Vice Mayor...

Big challenge to journalists: ‘Fight fake news, help the gov’t’

 Joselle Czarina S. Dela Cruz CLARK, Pampanga—Everyone has a fair...

Bulacan Institutionalizes Makabata Helpline 1383 to protect children’s rights

CITY OF MALOLOS - In a significant step towards safeguarding...

NLEX, Chinabank enter Php 10B loan agreement

To support lined-up expansion and enhancement projects that aim...