Home News 12-anyos patay sa baril sa loob ng CR ng eskuwelahan

12-anyos patay sa baril sa loob ng CR ng eskuwelahan

0
Police Forensic Unit members process the crime scene in Benito Nieto Elementary School in Barangay Muzon, City of San Jose del Monte. Photo by San Jose del Monte police

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE–Nasawi ang isang 12 anyos na grade 6 pupil sa lungsod na ito matapos aksidenteng mabaril ang sarili gamit ang service firearm ng kanyang police na ama sa loob ng comfort room ng kanilang eskuwelahan Huwebes ng umaga.

Ayon kay Bulacan Police Director Relly Arnedo, hindi namalayang naipuslit ng bata ang service Beretta firearm ng kanyang ama mula sa cabinet sa kanilang bahay at dinala ito pagpasok sa kanilang eskuwelahan sa Benito Nieto Elementary School sa Barangay Muzon kaninang 5:40 a.m.

Nagpunta sa loob ng comfort room ang biktima dala ang baril at saka nito pinaglaruan. Agad namang pumutok ito at tinamaan ang kanyang baba at tumagos ang bala sa kanyang ulo at tinamaan pa ang bubungan ng comfort room.

Ayon kay San Jose del Monte police chief Col. Ronaldo Lumactod, nasa stable condition na ang bata bandang 11:00 hanggang tanghali ng bigla na lang itong bumigay bandang 1:00 p.m.

Exit mobile version