Puwede na ang Christmas parties, active cases sa Bulacan 549 na lang

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

LUNGSOD NG MALOLOS–Patuloy na bumababa ang mga kaso ng COVID-19 active cases sa Bulacan kaya naman maaari na umanong magsagawa ng mga Christmas parties ang mga grupo at opisina, pahayag ni Gob. Daniel Fernando.


Ayon sa gobernador na chairman ng Bulacan COVID-19 Task Force, sa ilalim ng maluwag na Alert Level 2 quarantine restriction ng lalawigan ngayon, maaari ng magsagawa ng Christmas party ngayong Kapaskuhan na may 70% capacity kung outdoor o al fresco at 50% kapag nasa loob ng isang room na air-conditioned.


Ganunpaman ay kailangan pa ring magsuot ng face mask, mag social distancing at maghugas ng kamay at mag-alcohol. 
Sa pinakahuling tala ng Bulacan Public Health Office, 549 na lamang ang active cases sa Bulacan at ito ay halos kadikit na ng 500 active na mga kaso Disyembre noong isang taon. Ito na ang pinakamababang tala ng active cases sa lalawigan ngayong 2021. 


Nitong Oktubre ay bumaba sa 1,000-2,000 ang active cases matapos mag-record ng all time high na 4,700 active cases bandang katapusan nitong Agosto. 


Ayon sa gobernador na namahagi ng Christmas groceries sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa lalawigan kahapon, kailangan umanong lalong pag-ibayuhin ng mga Bulakenyo ang pag-iingat at ang pagbabakuna upang patuloy na bumaba ang active cases. 


Aniya, inaasahang bumaba sa mas maluwag na Alert Level 1 ang quarantine status ng Bulacan sa pagpasok ng taon kung patuloy na bubulusok pababa ang record ng active cases. 


Ayon naman kay Bulacan COVID-19 Task Force Vice Chair Dr. Hjordis Marushka Celis, nasa halos 1.2 million ng 1.8 million herd immunity target na mga Bulakenyo ang nababakunahan. Target provincial government na maabot na ang full total 70% herd immunity population o 1.8 million mga Bulakenyo ang nababakunahan ngayong katapusan ng taon upang masiguradong may proteksiyon ang lahat kontra sa mapaminsalang sakit.


Umabot sa 88,865 ang natalang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan simula Marso 2020 habang 86,869 ang recoveries at 1,447 ang confirmed deaths.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Russia’s oncovaccine now ready for clinical use

Russia’s Federal Medical-Biological Agency (FMBA) head Veronika Skvortsova announced...

First Skull of Extinct Elephant Relative Found in Cagayan, Philippines

By: Eunice Jean C. Patron Meyrick U. Tablizo and Dr....

President Marcos declares 2nd week of September as National Pensioners’ Week

President Ferdinand Marcos Jr.  signed Proclamation No. 1020 last September...

“Pagninilay-Nilay” reflects on parents’ pain, a daughter’s unfinished story

CITY OF MALOLOS – Nothing shatters the heart more than...