205 residente sa San Jose del Monte, inilikas dahil sa toxic fumes

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE–Mahigit 200 Informal settlers mula sa halos 50 pamilya sa Barangay Citrus ang inilikas matapos makalanghap ng pinaniniwalaang toxic fumes o usok mula sa isang abandoned open dump site katabi ng kanilang tinitirahan.  

Kasalukuyang nasa loob ng covered court ng Barangay Citrus ang 205 na mga residente mula sa 48 na pamilya at pansamantalang nananatili sa loob ng mga emergency tents.

Ipinag-utos agad ni Mayor Arthur Robes ang kanilang paglikas noong Miyerkules, Mayo 22, matapos na umusok ang lupa sa nasabing abandoned open dump site at magsimulang malanghap ng mga residente ang masama at nakalalasong amoy.

Ayon kay Citrus barangay captain Larry Demo, nasa halos 20 taon ng abandonado ang lugar matapos na ipetisyon ng mga residente na mapahinto ang operasyon ng nasabing open dump site noong 2005.

Subalit sa paglipas ng mga panahon, aniya, nagsulputan na lamang bigla ang mga kabahayan ng mga informal settlers malapit na malapit sa nasabing abandoned open dump site.

Ayon kay Citrus Kagawad Warly Cayabyab, may nauna na ring mga residente ang nakaamoy ng toxic fumes at nangailangan ng medical attention.

Noong Biyernes, Mayo 24, sinadya nina Gob. Daniel Fernando at Bise Gob. Alex Castro ang mga evacuees na ito at pinagkalooban sila ng tig P10,000 halaga ng cash money bilang tulong sa kanilang mga pangangailangan. Gayundin, namahagi sa kanila ang gobernador at bise gobernador ng iba pang mga ayuda kasama ang hygiene kits, sakong bigas at iba pa.

Sinasagot ng city government at ng barangay ang mga pagkain, tubig at iba pang mga pangangailangan ng nasabing mga evacuees simula ng sila ay inlikas sa covered courts.

Pahayag ni Robes sa NEWS CORE, inaantay niya ang report ng Bureau of Fire Protection at ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources kung hupa na ang masamang usok.

Pansamanatla, aniya, ay ibabalik sa kanilang mga tirahan ang nasabing 48 pamilya dahil sa ngayon ay wala pang paglilipatan sa kanila. Ganunpaman, dagdag ng alkalde, isiinama nila ang mga ito sa listahan ng city government ng mga pamilya at residenteng prayoridad para sa housing unit project.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

DENR, Forest Foundation, and Canada Advance Nature-based Solutions in the Philippines Amid Rising Climate Threats

Manila, Philippines — The Department of Environment and Natural...

Connecting the Unconnected: Eastern Advances Inclusive Education Through Connectivity and Digital Literacy Efforts

Eastern Communications, the Philippines' pioneering telecommunications company and ICT...

2025 METROBANK FOUNDATION OUTSTANDING FILIPINOS

Senator Joel Villanueva | 10 September 2025 Mr. President, esteemed...

‘Punish All Plunderers’: Akbayan says Flood Control Scam exposes Deep Political Epidemic

More than a thousand citizens, led by Akbayan Partylist,...