Agaw-pansin ang mga kalalakihang ito sa Barangay Tibig, sa Bulakan, Bulacan na punong-abala sa pag gawa ng sumang malagkit para sa kanilang Karidad kahapong Biyernes Santo.

Matagal ng tradisyon ang nasabing libreng pagpapakain ng mga residente sa mga bumabasa ng pasyon sa bisita ng Santo Rosario sa Tibig tuwing Mahal na Araw.

Ang suman ay tineternohan ng mainit na tsokolate.

Ang mga kababaihan naman ang siyang abala sa pagyayangit at pagbabalot ng suman.

Ipinagmamalaki ni Kapitana Rosana “Osang” Lava-Gamboa ang nasabing mayamang tradisyon ng Karidad ng kanilang barangay na patuloy na isinasagawa sa mahabang panahon na sa ngayon.

Mga larawan mula kay Kapitana Rosana “Osang” Lava ng Barangay Tibig.