Bulacan University and Colleges Athletic Association (BUCAA) Inaugural Season tagumpay

Published

LUNGSOD NG BALIWAG—Sabay sa init ng panahon ay ganoon din naging kainit ang tagumpay ng pagbubukas o inaugural season ng proyekto ni Gob. Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis Castro na Bulacan University and Collegiate Athletic Association (BUCAA) noong Lunes sa siyudad na ito.

Pinuno ng mga atletang kabataang Bulakenyo mula sa 32 kalahok na mga kolehiyo at unibersidad sa buong lalawigan kasama ang kanilang mga school heads and coaches ang Star Arena ng Lungsod ng Baliwag habang tinanghal na champion sa cheer dance competition ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Sta. Maria. Ang koponan ay tumanggap ng P200,000 cash prize at tropeo habang bawat isang miyembro nito ay sinabitan ng medalya.

Tinanghal na second prize ang Bulacan State University (BulSU) Meneses Campus na tumanggap ng P150,000 cash prize; P100,000 para sa Dalubhasaang Politekniko ng Baliwag bilang third prize at P60,000 para sa 4th prize na Academia de San Lorenzo ng Lungsod ng San Jose del Monte.

Tinanghal namang Best in Basketball Uniform ang Rich Well College ng Lungsod ng Baliwag at Best in Cheer Dance Uniform ang PUP-Sta. Maria.

Nagwagi si Charmagne Alexis Cruz, 20 anyos ng BulSU-Meneses Campus bilang Best Muse o Ms. BUCAA 2024 habang first runner-up ang Marian College of Baliwag at second runner up Dalubhasaang Politekniko ng Baliwag.

Lubos na ikinagalak ni Gob. Fernando ang tagumpay na paglulunsad ng nasabing palaro na kauna-unahang isinagawa sa panahon nila ni Bise Gob. Castro.  Ang palaro ay nauna na nilang inilunsad noong 2019 subalit dahil sa pandemya ay agad itong nahinto kung kaya’t itinuloy nila ito sa ngayon na mas malawak at masiglang athletic association.

“Ang BUCAA ngayon ang magiging home of the champions,” ani ng gobernador.

Nag-iwan din ng paalala ang opisyal sa lahat ng manlalaro na bukod sa tagisan ng galing at husay sa larangan ng sports, pangunahing layunin din ng patimpalak na lalo pang maturuan ang kanilang hanay bilang kabataang Bulakenyo at mga kabataang Pilipino na lalo pang maging mga disiplinado, patas o sports, magkaroon pa ng mas maraming mga kaibigan at lalong mapagbuti ang pakikisama at pakikipagkapwa-tao.  

“Hindi lang home of the champions ang BUCAA kundi gagawa rin kayong mga kabataang Bulakenyo, kabataang Pilipino ng mga bagong alaala ng inyong kabataan, palalakasin ang inyong katawan, ilalabas pa lalo ang inyong galing at husay sa sports at huhubugin pa kayo lalo sa disiplina at pakikipagkapwa-tao at larangan ng pakikipag-kaibigan,” ani ng gobernador.

Pinasalamatan ng gobernador ang lahat ng eskwelahan at mga heads and coaches nito na lumahok at tumangkilik sa BUCAA at bukod sa certificate ay binigyan din ang bawat isa sa 32 mga lumahok ng tig P20,000.

Ani naman ni Bise Gob Castro, ang BUCAA ay magsisilbing bahay ng mga manlalarong Bulakenyo na gustong maglaro ng maraming uri ng sports pangunahin ang basketball, subalit walang pormal na mga patimpalak para salihan.

“Today, we made history, dito kayo maglalaro sa BUCAA. Ito ang tahanan ng mga ekuwelahan sa lalawigan ng Bulacan at ng kanilang manlalarong Bulakenyo,” ani Castro.

Pinaalala rin ng bise gobernador ang kalagahan ng sportsmanship and discipline sa mga manlalaro. “Huwag kayong mag-aaway,” bilin din nito.

Sa mensahe sa kanyang hanay, sinabi ni Bokal CaseyTyrone Estrella Howard, pangulo ng Bulacan Sangguniang Kabataan (SK) Federation sa mga manlalarong kalahok, na ang BUCAA ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ng lalawigan. Aniya, iba ang level o kalidad ng mga manlalarong madi-discover sa BUCAA sapagkat ito ay magkakaroon ng malaking exposure and training at kalaunan ay maaaring makapasok ng mabilis sa UAAP.

Bukod da basketball, madidiskubre rin ang iba pang talento ng kabataang Bulakenyo sa iba’t ibang sports kasama na ang cheer dance, aniya. Hinikayat din niya ang kapwa niya mga kabataang Bulakenyo na bigyang pagpapahalaga ang sportsmanship at discipline na idudulot ng palaro.

Nauna ng inanunsiyo ni Gob. Fernando ang pagtatayo ng Bulacan ng sarili nitong Bulacan Sports Academy sa Bulacan Sports Complex sa Sta. Isabel, sa Lungsod ng Malolos kung saan doon pormal na huhubugin ang mga kabataang Bulakenyo na maging mahusay sa taglay nilang mga talento at kakayanan sa larangan ng palakasan.    

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Taliptip, Perez road rehab tapos ngayong June

BULAKAN, Bulacan—Sunod sa schedule na matatapos ngayong buwan ng...

SM Bulacan malls celebrate 126th Philippine Independence Day

SM Malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan joined the...

EVAP Welcomes New Member QSJ Motors Philippines, Launches Seres Brand in Local Market

Manila, Philippines, June 10, 2024 – The Electric Vehicle Association...

Prayer for the flag

By Herman M. Lagon As the vibrant flags flutter and stories of...