CENTENARIAN FROM BARANGAY HAGONOY RECEIVES 100K FROM TAGUIG MAYOR LANI CAYETANO

Published

Sa patuloy na pagpapalaganap ng programa ng lungsod ng Taguig para sa ating mga lola at lolo, personal na inabot ni Mayor Lani Cayetano, Konsehal Raul Aquino, at Konsehal Tikboy Marcelino, ang centenarian birthday cash gift na ₱100,000 sa 102-taong-gulang na si Romeo I. Cruz mula sa Brgy. Hagonoy.

Sa pamamagitan ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA Taguig), ang mga centenarian ng lungsod, kagaya ni Lolo Romeo, ay patuloy na makakatanggap ng P100,000 sa susunod pang mga taon hangga’t sila ay nabubuhay.

Makakatanggap ang mga seniors ng P3,000-P10,000 na birthday cash gift, depende sa kanilang age bracket sa bisa ng City Ordinance No. 25 series of 2017.

Dagdag pa rito, hatid din ng Taguig ang iba pang serbisyo para sa mga minamahal nating lola at lolo. Nariyan ang pamimigay ng libreng gamot sa mga sakit tulad ng diabetes, high blood at asthma; libreng nursing services sa kanilang tirahan; libreng wheelchairs, canes at hearing aids.

#ILoveTaguig

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Felicidad T. Sy Foundation Celebrates Love and Faith with ‘8th Kasalan sa SM’ Mass Wedding

The Felicidad T. Sy Foundation, Inc. (FTSFI) united 16...

IMPULSES: ‘Everything is grace’

By Herman M. Lagon Each moment, event, and encounter carries...

Perseverance Pays Off

Edrian B. Banania, Junior Writer Entrepreneurs like Allan Caldosa from...

Triumphing over tragedies

Mary Rose Javier, Junior Writer Resiliency is the key to...