Dating konsehal ng bayan ng San Miguel, Bulacan sinampahan ng mga kaso ng sexual abuse 

Published

BALIWAG, BULACAN –Sinampahan ng kasong sexual abuse ng dating dalawang menor de edad si ex-municipal Councilor Melvin Santos ng Bayan ng San Miguel, Bulacan nito lamang nakaraang linggo sa Bulacan Provincial Prosecutor’s Office sa Lungsod ng Malolos.

Sa naging pahayag ni Atty. Joey Cruz, abogqdo ng dalawang biktima sa mga mamamahayag nitong araw ng Linggo, kinilala ang dalawang biktima na sina alyas “Mark”, 35-anyos at alyas “Joey, 30.

Ayon kay  Cruz, sa salayasay ng dalawang biktima, sinabi ng mga ito na kapwa sila 17-anyos noon ng sila ay dalhin ni Santos sa kanyang bahay at doon sila umano ay minolestya.

Dahil sa takot at may hawak daw na baril noon si Santos ay hindi na sila nakapanlaban ng pagsamantalahan umano sila ng dating konsehal na nagbanta pa na sila ay papatayin kapag nagsumbong.

Sa panayam ng media ay sinabi ng dalawa na makaraan ang ilang taon ng pananahimik ay nagdesisyon na sila ngayon na magsampa ng reklamo dahil marami na daw ang naglalabasan na mga kabataan na nabiktima din ni Santos.

Ito na ang ikatlong kaso ng sexual abuse na isinampa laban kay Santos sa piskalya.

Unang naghain ng reklamong rape at sexual abuse nitong nakaraang ika-18 ng Disyembre ang isang 21-anyos na lalake na si alyas “Roy” na dati namang tauhan ni Santos sa punerarya.

Sa salaysay ng biktima ay 16-anyos pa lamang siya noong naganap ang umano ay panghahalay sa kanya ni Santos kung saan ay tinakot din siya nito gamit ang baril at pagbabanta pati na sa kanyang pamilya.

Sa panig naman ni Santos, ipinahayag nito sa NEWS CORE na character assassination lamang ang pagsasampa sa kanya ng nasabing mga kaso. Gayundin, ito umano ay politically motivated at kalaban lang niya sa pulitika sa kanilang bayan ang nasa likod ng nasabing hakbang laban sa kanya. 

Dagdag pa nito, ganti lamang umano ng kanyang kalaban sa pulitika ang nasabing pagsasampa ng kaso laban sa kanya dahil umano sa nauna ng mga kasong isinampa niya laban dito. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Taliptip, Perez road rehab tapos ngayong June

BULAKAN, Bulacan—Sunod sa schedule na matatapos ngayong buwan ng...

SM Bulacan malls celebrate 126th Philippine Independence Day

SM Malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan joined the...

EVAP Welcomes New Member QSJ Motors Philippines, Launches Seres Brand in Local Market

Manila, Philippines, June 10, 2024 – The Electric Vehicle Association...

Prayer for the flag

By Herman M. Lagon As the vibrant flags flutter and stories of...