Kapitan ng Sta. Maria, ligtas sa ambush

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

CAMP GEN. ALEJO SANTOS, Bulacan—Nakaligtas sa ambush ang isang kapitan sa bayang ito matapos na barilin siya ng di pa nakikilalang mga suspects Biyernes ng gabi. 

Kinilala ni Bulacan police director Col. Relly Arnedo ang biktima na si Julian Rosillas, 59, Barangay Chairman ng Mag-asawang Sapa. 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nasa harapan ng barangay hall si Rosillas bandang 8:30 ng gabi ng lumapit sa kanya ang 2 di kilalang mga salarin sakay ng isang motorsiklo at siya ay binaril ng dalawang beses sa may tagiliran ng kanyang tiyan.

Agad na tumakas ang mga suspects at kasalukuyan pa ring tinutugis ng mga pulis. 

Isinugod ang biktima sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital sa bayang ito subalit inilipat din sa iBulacan Medical Center sa Lungsod ng Malolos para sa patuloy na paglapat ng karampatang medical treatment. 

Sa ngayon ay nasa stable na, na condition ang kapitan. Ayon kay Arnedo. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

First Skull of Extinct Elephant Relative Found in Cagayan, Philippines

By: Eunice Jean C. Patron Meyrick U. Tablizo and Dr....

President Marcos declares 2nd week of September as National Pensioners’ Week

President Ferdinand Marcos Jr.  signed Proclamation No. 1020 last September...

“Pagninilay-Nilay” reflects on parents’ pain, a daughter’s unfinished story

CITY OF MALOLOS – Nothing shatters the heart more than...

192 Cats, 32 dogs get free castration, spay services

CITY OF MALOLOS – A total of 192 cats and...