Klase sa BulSU Meneses Campus, sinuspinde dahil sa bomb scare

Published

BULAKAN, Bulacan–Dalawang araw na sinuspinde ang klase sa Bulacan State University (BulSU) Meneses Campus sa bayang ito dahil sa banta at pananakot ng pagsabog at panununog o bomb and arson threats.

Iniutos ni BulSU President Teody San Andres na gawin na lamang online ang mga klase sa nasabing Campus ngayong araw ng Miyerkules. Unang kinansela ang mga klase kahapon ng umaga kasabay ng pag-responde para sa search and clearing operations ng Bulacan Provincial Police Explosive Ordinance Disposal (EOD) and K-9 Group at ng Bulakan police.

Simula Lunes ng gabi hanggang Martes ng gabi ay patuloy ang bomb and arson threats na ipinapadala ng hindi mga kilalang mga suspects gamit ang messenger accounts na “SindyEnemyOfAll” at “Lyn Ren” sa messenger accounts ng mga estudyante at faculty ng nasabing Campus.

Ganunpaman, matapos ang nasabing search and clearing operations sa buong mga pasilidad ng Meneses Campus ay walang nakitang ano mang bomba o mga gamit sa panununog, ayon kay Maj. Darwin Barbosa, hepe ng pulisya ng bayang ito.

Bandang alas 10:31 ng gabi noong Lunes, ipinadala ni “Lyn Ren” ang mensaheng ito, “Gusto niyo ba ituloy ang pasok bukas. Hahahahaha. Goodluck sa pasabog. Magpa-blessing kayo ng bagong room pero masasayang lang yan dahil bukas ay malalaman niyo ano mangyayari sa buong Meneses hindi ako nagbibro dahil magsisimula ulit kayo sa simula. Bagong campus para pagtayuan malay mo may bomba na sa bagong room o sa ibang room para bago lahat. Hahahahaha”.

Kasabay ng pinangunahan ni San Andres na inauguration ng bagong gawa at itinaas na flooring ng mga rooms ng BulSU Meneses Campus kontra sa pagbahang dinadanas ng mga estudyante at guro noong Martes ng umaga ay ang nasabing search and clearing operations ng mga otoridad. Matapos masiguro ng mga otoridad kasama ang K-9 team na walang bomba sa unibersidad, ibinalik na ang klase ng hapon ding iyon.

Subalit hanggang kinagabihan ay patuloy pa rin ang mga pagbabanta. Kabilang sa mga bago namang pananakot na ipinadala naman ni “SindyEnemyOfAll” ay ito ang sinasabi, “ Dtlga kau nagiisip ha. Nagresume Classes pa kau  bukas at sa mga susunod na Araw kung Hindi kau sasabog kayong lahat ay masusunog tandaan nyo jan. Good luck sainung lahat ipagsawalang bahal niu lang magugulat kau, sasabog nalang kau jan. Sunog. Sunugin ang Menses. Gud lucksainyo bukas. Madami kayo may klase bukas madami kayo mamamatay. Pasasabugin namin ang Meneses susunugin kayong buhay damay damay to”.

Pormal namang dumulog ngayong Miyerkules ng umaga sa tanggapan ni Barbosa ang mga faculty members na nakatanggap ng nasabing mga pagbabanta para sa kaukulang imbestigasyon ng pulisya. Nakipag-ugnayan na rin si Barbosa sa Regional Anti-Cybercrime Office ng Police Regional Office 3 sa Camp Olivas, Pampanga upang tukuyin ang nasa likod ng mga pananakot.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Primeskills Powers Unforgettable VR Concert Experience at BSTARVERSE in Jakarta

Primeskills, Indonesia's immersive technology pioneer, partners with AMG to...

A Celebration of Community and Creativity at Canon PhotoMarathon 2024

The event attracted over 500 participants from all walks...

Abaddon sets out to ensnare players in its web – release date and price for Kong: Survivor Instinct revealed!

Polish indie studio, 7LEVELS, and Singapore based publisher, 4Divinity,...

Revolutionizing Water Treatment: AQUARING’s Advanced Technology for a Healthier, Sustainable Future

Reurasia management corporation AQUARING, an Italian company revolutionizing water treatment...