Kauna-unahang medical school sa Central Luzon, itatayo sa Pampanga

Published

STO. TOMAS, Pampanga—Itatayo sa Pampanga ang kauna-unahang medical school sa Central Luzon, ayon kay Fourth District Rep. Anna York Bondoc-Sagum.

Ang eskuwelahan pang medisina ay itatayo malapit sa bagong bukas na Bagong Pilipinas Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) sa Barangay San Vicente sa bayang ito na isang outpatient extension ng Jose B. Lungad Memorial General Hospital sa katabing Siyudad ng San Fernando.

Sa inagurasyon ng nasabing BUCAS nitong Huwebes, Marso 7, ipinagmalaki ni York na may P50 milyong halaga ang ipagkakaloob ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara at may P20-milyong manggagaling sa kanyang tanggapan para pondohan ang nasabing medical school.

Aniya, nagbigay si Pampanga Gob. Dennis Pineda ng lupang pagtatayuan kaya’t ginawa naman niya ang counterpart efforts para sa kauna-unahang medical school sa Gitnang Luzon.

Ayon kay Senador Joel Villanueva, nagpanukala ng Republic Act 11509, o ang “Doctor Para sa Bayan Act,” na simulang ipinatupad noong 2021, kada rehiyon sa bansa ay dapat magkaroon ng eskwelahang pang-medisina upang magkaroon ang bansa ng sapat na mga doctor na tutugon sa pangangailangang medical lalo na sa ilalim ng isang medical emergency katulad ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa senador, nauna na ring nagpahayag ng mataas na level ng interest at pagtugon na magtayong medical school ang ilang mga unibersidad sa Bulacan at Nueva Ecija

Ang Central Luzon ay may populasyon na halos 12.5 million mula sa pinakahuling tala taong 2020 at ang lalawigan ng Bulacan, na may mahigit 3.8 milyong residente ang probinsiya nitong may pianakamalaking populasyon base rin sa nasabing pinakahuling tala.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Felicidad T. Sy Foundation Celebrates Love and Faith with ‘8th Kasalan sa SM’ Mass Wedding

The Felicidad T. Sy Foundation, Inc. (FTSFI) united 16...

IMPULSES: ‘Everything is grace’

By Herman M. Lagon Each moment, event, and encounter carries...

Perseverance Pays Off

Edrian B. Banania, Junior Writer Entrepreneurs like Allan Caldosa from...

Triumphing over tragedies

Mary Rose Javier, Junior Writer Resiliency is the key to...