Magkasunod na krimen sa San Miguel, Bulacan pinareresolba sa loob ng 48-oras

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

SAN MIGUEL, Bulacan–Inatasan kahapon lokal na pamahalaan ang kapulisan ng bayang ito na resolbahin ang magkasunod na pamamaril sa dalawang barangay tanod at panunutok ng baril at pang-aagaw ng motorsiklo na naganap sa dalawang magkaibang barangay noong Miyerkules.

Binigyan ng direktiba ni Mayor Roderick Tiongson si San Miguel Chief of Police Lt.Col. Avelino Protacio II na resolbahin sa loob ng 48-oras ang insidente ng pamamaril sa dalawang barangay tanod ng Sta. Ines na sina Noli Ramos, 40 at Pascual Aquino, 62, bandang 6:30 ng gabi habang sila ay sakay ng isang kolong-kolong na tricycle at nagsasagawa ng pagpapatrolya sa kanilang lugar sa Sitio Balucok. Isa sa riding in  tandem suspects ang bigla na lamang bumaba sa kanilang motorsiklo at pinagbabaril ang dalawa.

Ang mga ito ay kasalukuyan pa ring nasa pagamutan habang ang mga salarin ay agad na tumakas.

Ilang oras matapos ito ay dalawang tauhan naman ni Mayor Tiongson ang tinutukan ng baril at inagawan ng motorsiklo habang tinatahak ang barangay ng Biak na Bato.

Natangay mula sa mga biktimang sina Ranier Ramirez 17-anyos at Ariel Dumapig ang isang Yamaha Aerox motorcycle.

Ayon kay Tiongson, nais niya na agad matukoy at madakip ang mga nasa likod ng nasabing mga insidente.

Sa isang updated report na ipinadala ng Bulacan Provincial Police Information Office kahapon, iniulat dito na ang biktimang si Ramos ay napabalitang may mga kinaharap na reklamo ng larceny o pagtangay ng mga personal na ari-arian ng ibang tao at iba pa umanong uri ng illegal na gawain. Ayon sa report, nagtamo ito ng mga tama ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang si Aquino ay may tama ng baril sa may bandang ibaba ng kaliwang hita.

Ayon naman kay Col. Protacio, nagsasagawa na sila ng malalim na imbestigasyon hinggil sa mga nabanggit na insidente at mag-uulat siya ng mga developments sa nasabing mga krimen sa tanggapan ng alkalde sa loob ng itinakdang 48-oras.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Congressman Martin Romualdez resigned as House Speaker

MANILA, Philippines—Law maker Martin Romualdez, Representative of 1st District...

Sowing Success

Edrian B. Banania, Junior Writer In Barangay San Jose, General...

PBBM URGES ST. BARTS RESIDENTS TO TAKE GOOD CARE OF NEW HOMES

President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday urged the...

PBBM LEADS CEREMONIAL SWITCH-ON OF PH’S FIRST HYBRID AGRO-SOLAR, BATTERY STORAGE SYSTEM

President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday led the...