P517-Milyon halaga ng cash assistance, ipinamahagi ni PBBM sa 100,000 pamilya naapektuhan ng bagyong Egay

Published

LUNGSOD NG MALOLOS—Umabot sa P517,500,000 ang halagang naipamigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ng pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa may 100,000 pamilyang Bulakenyo na naapektuhan ng typhoon Egay noong nakaraang taon.

Ayon kay Gob. Daniel Fernando, ngayong Enero 2024 ay tinatapos na lamang ang ilang huling mga benepisyaryo.

Sinabi ng gobernador na naapektuhan ng bagyong Egay kasama pa ang bagyong Falcon at southwest monsoon noong Hulyo at Agosto 2023 ang halos lahat ng 572 na mga barangay sa apat na siyudad at 20 bayan sa lalawigan.

Ang kada isang pamilya na apektado at nasalanta ay pinagkalooban ng P5,175 halaga ng cash money bilang Emergency Cash Transfer (ECT) assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD, pahayag naman ni Rowena Tiongson, hepe ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng Bulacan.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Marcos si DSWD Secretary Rex Gatchalian na mag-release ng nasabing mahigit P1-bilyong halaga para sa perang ayuda sa mga naapektuhan ng malawakan at halos tatlong linggong pagbaha dala ng nasabing mga bagyo at malalakas na pag-ulan.

Si Pangulong Marcos ay bumisita sa Bulacan at nakipagpulong kina Fernando kasama rin si Bise Gob. Alexis Castro at personal na inalam sa nasabing mga opisyal ng lalawigan ang mga naging dahilan ng pagbaha, ang mga pinsalang tinamo ng probinsiya at ang mga suhestiyon at kahilingan ng mga taga-Bulacan upang masolusyunan ang nasabing mga pagbaha tuwing may mga bagyo at malakas na ulan.

Nakadagdag din sa mga pagbaha ang sunod-sunod na high tide at gayundin ang pagpapawala ng tubig ng mga dams.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sina Fernando at Castro kay Pangulong Marcos at Secretary Gatchalian dahil sa prioridad na ibinigay sa lalawigan para makatanggap ang 100,000 pamilya ng nasabing halaga ng ayuda.

Bago ang ECT ay nagpamahagi rin ang DSWD ng mga kahon-kahong pagkaing ayuda kasama pa ang ilang personal hygiene kit sa nasabing pamilya na nasalanta at naapektuhan ng nasabing kalamidad.

Double time at halos walang pahinga ang ginawa nila Fernando, Castro at Joson na pamimigay ng nasabing mga ayuda sa mga benepisyaryo sa mga bayan-bayan at kada distrito ng lalawigan.

Nitong Kapaskuhan, sinabi ng gobernador na isang biyaya at sadyang mapalad pa rin ang mga pamilyang nakatanggap ng nasabing ayusa mula sa Pangulo.

Oktubre noong isang taon ng sinimulan itong ipamahagi. Matatandaang mula sa pagpapahinga ng ilang linggo dahil sa pagkakasakit ay inuna ng gobernador ang pamamahagi nito nang siya ay muling magbalik sa araw araw niyang aktibong mga programa at aktibidad.

Matatandaan ding inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 3 office na resolbahin ang nasabing mga pagbaha. Katulad ng Bulacan, binaha rin ang Pampanga, maging ang iba pang mga lalawigan sa Gitnang Luzon.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Tacloban’s sweet and special binagol

TACLOBAN CITY—Sixty five year old Viginia Aguilar Orollo on...

Center for Agriculture and and Development (CARD) MRI Center Meeting in Tacloban City

TACLOBAN CITY—CARD MRI officers, members and clients conduct their...

Thai consumers seek new flavors of salty snacks

Companies need to get ready to elevate the snacking...