P6-M halaga ng DSWD-AICS ipinamahagi ni Sen. Imee Marcos sa Baliwag 

Published

LUNGSOD NG BALIWAG—Nasa P6-milyong halaga ng cash na ayuda o Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ipinamahagi ni Senadora Imee Marcos sa 2,000 displaced public market vendors at force multipliers sa lungsod na ito nitong Miyerkules, Pebrero 7. 

Bawat isa ay nabiyayaan ng tig P3,000 bilang tulong matapos na ma-displaced ang nasabing mga vendors sa palengke dahil sa kasalukuyang  gumagawa ng bago at modernong palengke ang Baliwag, mahigit isang taon matapos na ito ay maging isang lungsod noong Disyembre 2022. 

Pansamantalang pinagamit sa kanila ang kalsada sa may palengke upang kanilang mapuwestuhan habang ang mga force multipliers ay nananatiling matatag na katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa buong lungsod. 

Ayon kay Marcos, bunsod ng pag-unlad ng Baliwag bilang isa ng siyudad, ay kaakibat nito ang pagbabago katulad ng pagpapagawa ng modernong palengke kung kaya’t pansamantalang na-displaced ang mga vendors. 

“Mahirap magtinda sa kalsada at kung saan-saan. Sana makatulong kahit kaunti ang ating AICS. Ang mga force multipliers ay katuwang ng mga pulis at sana ay makatulong din sa inyo ang AICS. Tuloy tuloy ang ating pagbibigay ng tulong. Maaasahan po ninyo ako sa tulong na ito,” pahayag ng senadora. 

Dagdag niya na marami pa ang inaasahang mga pag-unlad at proyektong gagawin sa lungsod. 

Ang 2,000 displaced public market vendors sa Lungsod ng Baliwag na tumanggap ng P3,000 halagang ayuda o Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ni Sen. Imee Marcos, Lungsod ng Baliwag Mayor Ferdie Estrella at ina nito, Mayora Sonia Estrella. Larawan ni Carmela Reyes-Estrope

Aniya, siya ay isang Baliwagenya sapagkat ang kanyang lola, ang nanay ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos na si Dona Remedios Trinidad (DRT) ay mula sa Bayan ng Baliwag. 

Nagbiro pa ang senadora na pakyaw niya o sakop niya at sa kanya ang 30 bahagi ng lalawigan ng Bulacan dahil iyon ang sakop ng bayan ng DRT na pangalan ng kanyang lola habang ang pangalan din naman niya ay Remedios.

Ayon naman kay Mayor Ferdie Estrella, sadyang mabilis na tumutulong ang senadora sa Bayan ng Baliwag sa maraming pagkakataon katulad nga ng pangangailangan para sa ayuda sa mga displaced public market vendors, sa mga force multipliers at iba pang sektor sa lungsod. 

Noon umanong Disyembre 2022 ay naghatid din ang senadora ng ayuda sa Lungsod ng Baliwag, ani ng punongbayan. 

Sinabi rin ng alkalde na ang kasalukuyang gusali ng pamahalaang panglungsod na ipinatayo mahigit 50 taon na ang nakakaraan ay mula sa tulong at pondo sa ilalim ng panunungkulan ng ama ng senadora, dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos. 

Sa huli, pinaalala niya sa kanyang mga kababayang Bulakenyo na may solusyon sa bawat problema gamit ang kataga ng kanyang pangalang “Imee”. Sa anomang problema “Imee” (ay may) solusyon.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Bulakenyo leaders nanumpa sa National Unity Party (NUP)

LUNGSOD NG MALOLOS—Halos 200 na mga bagong miyembro ng...

Types of Events Featuring Motivational Speaker in the Philippines

In the ever-changing world of personal development and...

Types of Motivational Speakers in the Philippines

In the vibrant and diverse landscape of the...