Home News PBGen Baccay, bagong talagang PNP Reg. 3 Director

PBGen Baccay, bagong talagang PNP Reg. 3 Director

0
PBGen. Matthew Baccay, newly assigned Police Regional Office 3 Director. Larawan mula sa PRO3.

Ni Rolly Alvarez

CAMP OLIVAS, City of San Fernando, Pampanga–Itinalaga bilang bagong PNP Region 3 Director si PBGen Matthew Baccay nitong Lunes, Nobyembre 1. 


Pinangunahan ni Chief PNP PGen. Guillermo T. Eleazar ang turn-over sa pagitan ni Baccay at outgoing Police Regional Office (PRO) 3, Director PBGen..Valeriano De Leon sa isang simpleng seremonya sa kampong ito. 


Ang bagong Regional Director na dati nang naitalaga sa PRO3 bilang Chief, Comptrollership Division at Chief, Regional Intelligence Division ay mainit na tinanggap muli sa PRO3 patunay nito ang paghahandog sa kanya  ng arrival honors ng mga kawani at tauhan ng PRO3 PNP tanda ng pagtanggap sa bagong pinuno nito.


 “Ang maitalaga bilang Regional Director ay mapanghamon sa akin dahil sa dalawang dahilan, una ang PRO3 ay itinanghal na Best Regional Police Office at ikalawa dahil si PBGen. Valeriano De Leon ay isa sa mga hinahangaan kong Senior Officers at karangalan ko na sumunod sa kanyang yapak. Habang tayo ay nasa bagong normal, huwag tayong sumuko sa ating mga tungkulin. Malapit na ang Kapaskuhan at siguradong tataas na naman ang ating crimes against properties kasabay din ang paghahanda sa ating nalalapit na National at Local elections. We should all be prepared. Tinitiyak ko sa ating C, PNP PGen Guillermo T. Eleazar na ang PRO3 ay mahigpit na susunod sa Intensified Cleanliness Policy. Ang mabuti at maayos na pagganap sa tungkulin ay gagantimpalaan at ang ay masama parurusahan, this will be my marching order in my tenure here in Police Regional Office 3,” ani Baccay.


Si Baccay ay miyembro ng PMA Class ’92 Tanglaw- Diwa at ang District Director ng Eastern Police District bago ang kanyang panunungkulan bilang Regional Director ng PRO3. 


Samantala , uupo si PBGen. De Leon sa kanyang puwesto bilang Direktor ng PNP- Civil Security Group. 

Exit mobile version