Rey Baylon, bagong kapitan ng Vizal San Pablo, Candaba

Published

CANDABA, Pampanga—Wagi bilang bagong kapitan ng Barangay Vizal, San Pablo, Candaba, Pampanga ang negosyanteng si Rey Baylon.

Ipinroklama siya ng 1:30 ng umaga noong Martes sa elementary school ng nasabing barangay matapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Kabilang sa mga inpinroklama ang kanyang mga kagawad na sina Severnip Sagum bilang Number 1 Kagawad, pangalawa si Kagawad Antonio Buco sa lamang na isang boto at sumunod na sina Rommel Liwag, Yolly Bustamante at Julian Enrile.

Si  Kap. Rey, 52, ang bunsong kapatid ni dating Candaba Mayor Engr. Danilo Baylon.

Si Kap. Rey ang ikatlong Baylon sa kanilang pamilya na sumabak sa pulitika sa Candaba. Ang kanyang anak ay kasalukuyang konsehal ng bayan ng Candaba.

Kasamang ipinroklama sina Kagawad Antonio Buco, Severino Sagum, Julian Enrile, Rommel Liwag, Yolly Bustamante at iba pang mga kasamang hala na gaawad ng Vizal San Pablo. Larawan ni Anton Luis Catindig

Si dating Mayor Baylon ay isang malakas na naging katunggali ni Pampanga Gov. Dennis Pineda sa pagka-gobernador ng lalawigan noong May 2022 election.

Ayon Kap Rey, paiigtingin niya ang peace and order at tututukan niya ang ptotection sa environment, pagpapalakas ng suporta sa edukasyon ng mga kabataan, mga proyektong pang-imprastratura, suporta sa senior citizens at marami pang iba.

Hindi rin umano siya tatanggap ng kanyang buwanang suweldo upang ilaan amg pondong ito para sa higit na pagtulong at suporta sa 400 mga senior citizens ng Vizal San Pablo.

Unapela rin siya sa kanyang nakatunggali na magsama-sama na sila ngayong tapos na ang halalan dahil iaang araw lamang ang pulitika at wala na dapat kukay-kulay bagkus ay dapat ng magkasama-sama para sa maayos at mahusay na paglilingkod sa kanilang barangay.

“Sana wala ng personalan, wala ng kulay-kukay,” pahayag nito.

Ayon pa sa kanya, hinding hindi siya maaaring lumiko o limihis ng daan sa kanyang paglilingkod- bayan dahil susundan niya ang yapak ng kanyang kuya.

“Pag lumihis ako ng daan, magaggalit ang Diyos at ang kuya ko sa akin,” pahayag ng kapitan.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

IMPULSES: Fishery fragility unfolds

By Herman M. Lagon     Poor fishing threatens Iloilo's economy and...

SOLUTIONS JOURNALISM PROGRAM ON SMALL-SCALE GOLD MINING LAUNCHED

Gibby Gorres MANILA, PHILIPPINES - Applications for a solutions journalism...

PGB reasserts ownership of 12-hectare property in Malolos

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB)...

IMPULSES: Unmasking flaws in testing

By Herman M. Lagon THE NATIONAL Achievement Test (NAT) and...