23 huli sa tupada, 2 nanunuhol pa

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

CAMP GEN. ALEJO SANTOS, Bulacan–Nasa 23 kalalakihan ang arestado sa magkakahiwalay na tupada sa iba’t ibang bayan nitong Sabado at Linggo, ayon sa report ng Bulacan Provincial Police Office na nakabase sa kampong ito.

 
Ayon kay Bulacan Police Director Col. Manuel Lukban Jr., ang mga arestadong sina Beltran Estrella ng Barangay Sta. Ines at Romeo Mercado ng Barangay Sibul sa Bayan ng San Miguel ay sinubukan pang suhulan ang mga miyembro ng pulisya matapos na sila ay arestihun dahil sa illegal na tupada.

Ang ilan sa mga arestadong sabungero sa mga tupada at ilan sa mga nahuling ebidensiya mula sa kanila. Bulacan Police Information Office


Nagbibigay umano ng halagang P15,000 ang nasabing dalawang sabungero sa mga arresting officers. 
Kaya naman, dagdag kaso pa sa kanila ang panunuhol sa law enforcers.


Nasa 21 iba pa ang arestado din sa magkakaibang tupada sa Obando, Pandi, Plaridel at Lungsod ng Meycauayan.


Nakuha sa kanila ang ilang buhay at sugatang mga panabong na manok, tari, mga kahon at bayong na naglululan ng panabong na manok at iba pa kabilang ang mga tayang pera. 


Nananatiling bawal ang tupada sa umiiral na General Community Quarantine (GCQ) restriction dahil sa COVID-19 pandemic at kabababa lang na Alert Level 2 sa Bulacan. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Russia’s oncovaccine now ready for clinical use

Russia’s Federal Medical-Biological Agency (FMBA) head Veronika Skvortsova announced...

First Skull of Extinct Elephant Relative Found in Cagayan, Philippines

By: Eunice Jean C. Patron Meyrick U. Tablizo and Dr....

President Marcos declares 2nd week of September as National Pensioners’ Week

President Ferdinand Marcos Jr.  signed Proclamation No. 1020 last September...

“Pagninilay-Nilay” reflects on parents’ pain, a daughter’s unfinished story

CITY OF MALOLOS – Nothing shatters the heart more than...