MANILA–Nakapagtanim na ng 2.7 million na puno ang San Miguel Corp. (SMC) simula 2019 para sa reforestation project nito na carbon capture program o kilala rin bulang “Project 747” na layuning makapagtanim ng 7-Milyon kabuuang mga puno sa 7 probinsiya sa bansa bilang taya ng kumpanya sa umiiral na climate change.
Isang milyon kada taon ang target maitanim sa ilalim ng programang ito at tatapusing maitanim lahat ang 7-Milyong mga puno sa taong 2025 ay para sa power facility and operations sa bansa ng SMC Global Power Holdings Corp.’s (SMCGP) kung saan nais nitong magdagdag ng mas malinis na renewable power facilities sa power portfolio nito matapos na hindi na nito itutuloy ang naunang planong pagtatayo ng three clean-coal power plants with a capacity of 1,500 MW, bilang bahagi ng SMC’s larger sustainability goals.
“Through massive reforestation, we can help mitigate the impacts of climate change. Over the past couple of years, we have also been utilizing the best and most modern technologies to minimize our impact on the environment, even as we try to provide for our country’s growing need for reliable and affordable power,” pahayag ni SMC president Ramon S. Ang.
Kamakailan lang ay inanunsiyo ng SMC na ang SMCGP ay nearing completion na ng marami nitong Battery Energy Storage System (BESS) facilities sa maraming lugar sa bansa. Tinataya nitong sa pagitan ng 2021 at 2022 ay matatapos na nito ang 31 BESS facilities na hindi lamang mag-i-improve sa power reliability sa buong bansa kundi magbibigay daan din para sa integration ng 3,000 megawatts of intermittent renewable power supply sa mga grid o transmission lines.
Kasabay ding inanunsiyo ng SMC ang pagtatayo nito ng solar plants na may BESS facilities sa 10 locations. Nakalinya ring itayo ng kumpanya ang liquefied natural gas plant and some hydroelectric power plants pipeline bilang bahagi ng mga programa at proyekto tungo sa cleaner and renewable technologies.
As of July 9, ang SMC Global Power Holdings Corp. ay nakapagtanim na ng 780,214 seedlings out of the 1.1 million targeted ngayong taon sa 268 hectares of land sa Zambales, Davao Occidental, Bataan, Negros Occidental, Pangasinan, Albay at Quezon province.
Kasama na rin ang sa Bulacan, ang target na maitanim na natitirang 320,000 trees para sa 1 milyon ngayong taon ay matatapos sa September. Mula 2019-2020, ang SMC kasama ang mga magsasaka at mangingisda sa Bulacan ay nakapagtanim na ng 1,994,988 seedlings and propagules.
“As with our other initiatives, this massive tree-planting project represents our commitment to environmental stewardship. With each of our business units pursuing sustainability programs and engaging their respective communities to help out, I am confident we can collectively achieve a lot in the next couple of years in terms of meeting our climate goals,” Dagdag ni Ang.
Binigyang diin din ni Ang na mahalaga ang papel ng mga komunidad sa Project 747, kabilang din ang minority tribes sa bawat pitong probinsiya dahil sila ang makakatuwang sa pagpapalago ng mga tanim at pag-aalaga dito.
Kabilang sa mga punong itinanim ay ang Narra, Molave, White Lauan, Palosapis, Agoho, Batino, Igang, and Malabayabas while mangrove varieties include Bakawan Babae, Bakawan Lalaki, Bungalon at Api-Api. Ayon sa SMC, ang survival rates ng mga punong ito sa kabundukan kasama na ang mangroves sa kailugan ay nasa 89 – 91 percent.
Ang San Miguel Brewery, Inc., subsidiary of SMC ay nakatakda ring magtanim ng 66,000 trees ngayong taon sa ilalim ng “Trees Brew Life” program.
Ang Distileria Bago, Inc. Mangrove Project ng Ginebra San Miguel Inc., sa Bago City, Negros Occidental ay nagtatanim ng 40,000 full-grown trees across 12 hectares of land.
Ang proposed Petron’s 10-year biodiversity conservation efforts para sa Sarangani Bay Protected Seascape ay may kasama ring pagtatanim ng 50,000 seedlings.
Simula 2000, ang Petron ay nakapagtanim na ng 1-milyong puno at mangroves sa ilalim ng National Greening Program ng national government. Nag-adopt ito ng 30 hectares ng mangrove reforestation areas sa Tacloban City, Leyte at Roxas City, Capiz sa ilalim naman ng Puno ng Buhay program.