Bayan ng Angat, naka Buena Mano ng Ambulansiya mula sa PCSO

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

ANGAT, Bulacan–Inuwi na ni Angat Mayor Leonardo De Leon sa bayang Ito noong Biyernes ang isang ambulance unit na bunga ng kanyang pagsisikap na maipagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office. 


Tanging ang Bayan lamang ng Angat sa buong Bulacan ang tumanggap ng ambulansiya mula sa nasabing ahensiya  ngayong pagpasok ng taong 2022. 


Kasama si Gabriel Ignacio, executive secretary ng alkalde ay idiniretso sa munisipyo ang nasabing ambulansiya upang ipakita sa mga kapwa empleyado ng munisipyo ang nasabing biyayang patient transport vehicle na galing sa isang car dealer sa Metro Manila. 

Ang ambulansiyang Ito ay dagdag na magagamit ng mga residente kabilang din ang mga Barangay ambulances at patrol units para sa kanilang health emergency needs. 


Ayon kay Mayor Narding na tinaguriang “Alamat na Mayor” ng Bulacan, pauna lamang ito at may mga kasunod pang iuuwing biyaya ang Angat mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, lokal man o nasyunal. 


Mula sa provincial government sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando ay kasalukuyan ng itinutuloy ang matagal na natengggang district hospital sa Bayan ng Angat na isinulong na proyekto ni Mayor De Leon ilang taon na ang nakakalipas.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Russia’s oncovaccine now ready for clinical use

Russia’s Federal Medical-Biological Agency (FMBA) head Veronika Skvortsova announced...

First Skull of Extinct Elephant Relative Found in Cagayan, Philippines

By: Eunice Jean C. Patron Meyrick U. Tablizo and Dr....

President Marcos declares 2nd week of September as National Pensioners’ Week

President Ferdinand Marcos Jr.  signed Proclamation No. 1020 last September...

“Pagninilay-Nilay” reflects on parents’ pain, a daughter’s unfinished story

CITY OF MALOLOS – Nothing shatters the heart more than...