P83-Milyon ayuda sa displaced tourism workers

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Umabot sa mahigit P83-Milyong halaga ng kabuuang ayuda ang ipinagkaloob ng Department of Tourism sa lagpas 16,000 displaced tourism workers sa lalawigan dahil sa COVID 19 pandemic noong 2020.
Sa isang simpleng ceremony na ginawa sa Capitol Gym kamakailan ay tinangap ng naunang mahigit isang libong mga tricycle drivers, make-up artists, resort and hotel attendants at iba pang manggagawa sa ilaim ng sektor ng turismo ang P5,000 halagang ayuda. 
Masusing sinuyod ni Bulacan Provincial Government Tourism Office sa pangunguna ng pinuno nito Eliseo Dela Cruz at Bulacan Provincial Employment Service Office (PESO) Head Atty. Kenneth Ocampo-Lantin sa pamamagitan ng kanilang mga counterparts sa mga bayan-bayan upang maisama sa listahan ang mga higit na naapektuhan at nawalan ng trabaho na  manggagawang Bulakenyo mula sa tourism sector dulot ng pandemya.
Ang ayuda ay ibinaba ng Department of Tourism matapos na hilingin ito ni Gob. Daniel Fernando upang matulungan ang mga maliliit na manggagawa na nasa sektor ng turismo na isa sa mga higit na pinakanaapektuhan ng pandemya.
Ayon kay Dela Cruz, dahil sa kanilang pagsusumikap sa pangunguna ni Gob. Fernando ay kabilang ang lalawigan sa mga pangunahin na nakakuha ng pinakamalaking pondo para sa naturang ayuda. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

First Skull of Extinct Elephant Relative Found in Cagayan, Philippines

By: Eunice Jean C. Patron Meyrick U. Tablizo and Dr....

President Marcos declares 2nd week of September as National Pensioners’ Week

President Ferdinand Marcos Jr.  signed Proclamation No. 1020 last September...

“Pagninilay-Nilay” reflects on parents’ pain, a daughter’s unfinished story

CITY OF MALOLOS – Nothing shatters the heart more than...

192 Cats, 32 dogs get free castration, spay services

CITY OF MALOLOS – A total of 192 cats and...