Home Health
(0961) 704 4701

Available mula Lunes hanggang Biyernes (maliban na lamang sa Sabado, Linggo, at holidays)
8 a.m. hanggang 5 p.m.

Ang Home Health ay libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga bedridden na pasyente. Pumupunta ang medical team sa bahay ng pasyente upang  magbigay ng serbisyo, kabilang ang konsultasyon, pagsusuri, at iba pang pangangailangang pangkalusugan.

Doctor on Call
(0919) 079 9112

Lunes hanggang Linggo, kahit holidays
Bukas 24 oras

Ang Doctor on Call o DOC ay isang 24/7 na serbisyong medikal na binubuo ng mga lisensiyadong doktor at rehistradong nars, at may kasamang ambulansya na may sapat na kagamitan para sa agarang pagtugon sa mga kaso ng medical emergency at iba pang pangangailangang medikal.