P2-Milyon halaga ng burial assistance, cash aide at assistive devices ipinamahagi sa Bulacan

Published

LUNGSOD NG MALOLOS—Umabot sa mahigit P1-milyong halaga ng burial assistance, cash aide, bigas, hygiene kit at assistive devices ang ipinamahagi ng Provincial Governent of Bulacan sa mga apektadong residente mula sa iba’t ibang bayan sa ng lalawigan nitong Lunes. 

Pinangunahan nina Gobernador Daniel Fernando, Bise Gobernador Alexis Castro ang nasabing pamimigay ng suporta at ayuda sa halos 420 katao na namatayan ng mahal sa buhay, nasunugan at mga may karamdaman na nangangailangan ng wheelchairs, stretchers at iba pang assistive devices. 

Si Bise Gob. Alexis Castro na katuwang ni Gob. Daniel Fernando sa pamimigay ng nasabing mga ayuda. Larawan ni Anton Luis Catindig

Dinagdagan din ng gobernador ng extra P500 cash ang bawat isa sa nasabing bilang ng mga residente na sumadya sa Hiyas Pavilion ng Hiyas Convention Center sa lungaod na ito upang tanggapin ang kani-kanilang mga tulong mula sa panlalawigang pamahalaan. 

Ayon kay Rowena Tiongson-Joson, hepe ng Bulaacn Provincial Social Welfare and Development Officer, 305 na naulilang kaanak ng mga yumao ng tumanggap ng P2,000, P5,000 at P10,000 halaga ng burial assistance. 

Nasa 65 naman na mga biktima ng sunog ang binigyan ng tig P5,000 cash, kasama pa ang isang cavan ng bigas, personal hygiene kit at emergency bag habang 50 katao namang may mga karamdaman ang pinagkalooban ng mga kailangan nilang assistive devices. 

Ang pamamahagi ayon kay Fernando ay bahagi ng kanyang programa na pagkalinga sa mga kababayang agarang nangangailangan ng tulong suporta mula sa pamahalaang panlalawigan dahil sila ay biktima ng sakuna, trahedya ng pagkawalan ng mahal sa buhay at may mga karamdaman. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Tacloban’s sweet and special binagol

TACLOBAN CITY—Sixty five year old Viginia Aguilar Orollo on...

Center for Agriculture and and Development (CARD) MRI Center Meeting in Tacloban City

TACLOBAN CITY—CARD MRI officers, members and clients conduct their...

Thai consumers seek new flavors of salty snacks

Companies need to get ready to elevate the snacking...