2 patay, 3 sugatan sa magkakahiwalay na pamamaril sa Bulacan

Published

CAMP GEN. ALEJO SANTOS, Bulacan—Dalawang lalaki ang patay habang tatlong iba pa ang sugatan sa limang magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa iba’t ibang bayan sa Bulacan nitong Lunes.

Ayon kay Bulacan police director Col. Relly Arnedo, dead on the spot sa 2 tama ng baril sa katawan ang 55 anyos na si Fernando Lasco, isang tricycle driver, habang minamaneho nito ang naturang sasakyan bandang alas 10:15 ng umaga noong Lunes sa Barangay Bagong Barrio, Pandi.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bigla na lamang pinaputukan ng dalawang beses ng hindi pa nakikilalang lone suspect ang biktima habang binabaybay nito ang kalsada sa nasabing lugar. Mabilis namang naglakad patakas ang salarin.

Ayon kay Col. Rey Apolonio, hepe ng Pandi police station, ang biktima ay tubong Candaba, Pampanga at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Siling Bata.

Kinukuha na nila umano ang record ng Closed Circuit Television (CCTV) sa lugar upang makilala ang salarin.

Sa Barangay Pulong Buhangin, Sta. Maria, agad ding namatay sa mga tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Jemmar Mendoza, 36, ng paputukan siya ng dalawang hindi pa rin nakikilalang mga suspects bandang alas 2:50 ng hapon noong Linggo.

Nagmamaneho rin ng kanyang tricycle ang biktima ng ito ay harangin ng 2 suspect na lulan ng isang kulay gray na Yamaha Nmax na motorsiklo. Bumaba sa nasabing sasakyan ang gunman at nilapitan ang biktima at saka ito binaril.

Mabilis ding nakatakas ang dalawang suspects sakay ng kanilang motorsiklo at tinungo ang direksiyon papunta sa katabing Bayan ng Norzagaray.

Sugatan naman si Nelson Faraon, isang vegetable vendor habang ito ay nakatayo sa isang pwesto ng gulay sa Poblacion sa Sta. Maria bandang ala 1:10 ng umaga noong Lunes. Agad siyang naisugod sa ospital upang gamutin ang sugat dala ng tama ng bala sa kanyang katawan.

Noong Linggo ng gabi, sugatan din si Marvin Modesto ng barilin din siya ng hindi pa rin natutukoy na salarin habang naglalaro ng online game sa kanyang cellphone sa harapan ng kanilang bahay sa Barangay Lambakin, Bayan ng Marilao. Isinugod siya sa Bulacan Medical Center sa Lungsod ng Malolos upang gamutin ang kanyang sugat dala ng tama ng baril sa kanyang katawan.

Bandang 4:35 naman ng hapon noon ding Linggo ay binaril ng hindi pa nakikilalang lalaki ang 42 anyos na videographer na si Aries Magayanes, mula sa Binangonan, Rizal habang binabagtas niya ang Barangay Dampol 2nd sa Bayan ng Pulilan sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) papuntang Metro Manila. Hindi pa rin matukoy kung ano ang sasakyan ng suspect.

Napasadsad sa mga bakal na railings sa kanang bahagi ng NLEX ang sasakyan ng biktima na may mga bakas ng tama ng baril sa bintana ng driver’s seat.

Unang nagresponde ang traffic crew ng NLEX dahil sa report na isang aksidente ang naganap sa lugar. Agad na ipinagbigay-alam sa mga pulis na nakatalaga sa Bayan ng Pulilan ang insidente.

Ayon kay Col. Jerome Jay Ragonton, hepe ng pulisya ng Pulilan, galing sa Ilocos Sur ang biktima.

Sinabi naman ni Arnedo sa NEWS CORE na kasalukuyan pa nilang iniimbestigahan ang insidente at inaalam kung nauna ng may tama ng bala sa katawan ang biktima bago pa ito pumasok sa NLEX o kung doon sa San Simon, Pampanga o sa Pulilan na bahagi ng NLEX ito binaril ng suspect. Base sa resulta ng imbestigasyon, malalaman umano kung ambush or road rage ang dahilan ng pamamaril.

Hinihintay pa umano nila ang ang kopya ng CCTV footages mula sa NLEX, ani Arnedo.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Crafting Dreams Together

Josephine Ramos, Junior Writer Susana Grabillo, 55, from Barangay Basiao,...

NLEX Empowers Young Women through BRAVE Program

NLEX Corporation recently launched another woman-centered community development program...

Navigating the Information Ocean: Why Media and Information Literacy Important

Kwento Co Media and information literacy (MIL) has become a...

Supreme silence: Dynasties still unchecked

By Herman M. Lagon When the Supreme Court clarified on...