Pamamahagi ng P500-M typhoon Egay and Falcon emergency cash transfer, nasa last batches na

Published

LUNGSOD NG MALOLOS—Tinanggap kahapon ng 3,392 pamilyang Bulakenyo ang tig P5,175 na halaga ng cash assistance bilang ilan sa mga natitirang huling batches ng mga benepisyaryo ng kabuuang P500 milyong halaga ng Emergency Cash Transfer (ECT) mula sa national government para sa halos 100,000 pamilyang Bulakenyo na naapektuhan ng bagyong Egay at Falcon noong Hulyo at Agosto 2023.

Sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando, tatapusin hanggang sa Biyernes ang pamimigay sa mga last batches ng inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pamamahagi ng ECT para sa mga Bulakenyo na kasamang hinagupit ng nasabing kalamidad noong isang taon.

Ayon kay Fernando, mapalad pa rin ang mga kalalawigan sa kabila ng dinanas na pagbaha sapagkat inalalayan sila ng pamahalaan sa pamamagitan ng ayudang iniutos na ipagkaloob ng Pangulo sa pamamagitan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian. 

Inamuki ng gobernador na gamitin ng mahusay ang natanggap na cash at ito ay maaari ng gamiting puhunan kahit sa isang maliit na negosyo tulad ng pagtitinda ng fishball, banana que o mga pampalamig lalo na ngayong tag-init. 

Ayon kay Rowena Tiongson, hepe ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng Bulacan, nasa P17 milyon ang kabuuang halaga ang ipinamahagi sa 3,392 benepistaryo. Kabilang sa mga benepisyaryo nitong Martes ay mga residente ng Bayan ng Angat. 

Ang mga benepisyaryo ng emergency cash transfer nitong Martes sa loob ng Hiyas Pavilion ng HIyas Convention Center sa Lungsod ng Malolos kabilang ang mga residente ng Bayan ng Angat. Larawan ni Anton Luis Catindig

Sinabi ni Fernando na ang susunod namang ipapamahagi ay P20 milyon halagang Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) at partikular na tig P5,000 para sa mahigit 1,400 magsasaka na naapektuhan ng El Nino. 

Aabot sa P15 milyong kabuuang pondo ang nasabing halaga para sa mga magsasaka kung saan mahigit 1,000 hektaryang kanilang sinasaka ang naapektuhan ng tagtuyot, ayon sa gobernador. 

Ani pa ng gonernador, mamimigay naman ang Kapitolyo ng binhi ng palay sa mga magsasaka upang makapagtanim na sila sa Hunyo at Hulyo. 

Ibinalita rin ng punong lalawigan na sisimulan ng malawakang paghuhukay at pagpapalalim ng mga ilog at dike sa bilang bahagi ng coastal defense ng lalawigan laban sa mga pagbaha. 

Sa huli, tinagubilinan ni Fernando ang mga kababayan na huwag maniniwala sa mga negatibong balitang kumakalat laban sa kanya na siya raw umano ay nakangiwi na at pilay. 

“Huwag po kayong maniniwala sa mga paninira at balitang kumakalat na ako daw po ay ngiwi na at pilay at hindi na tatakbo. Ngiwi po ba ako at pilay,” pananalita ng gobernador. 

Matatandaang isinugod sa ospital ang gobernador Setyembre noong isang taon at pinagpahinga ng 3 linggo ng doctor matapos na ito ay samaan ng pakiramdam habang nagtatalumpati sa loob ng Capitol Gymasium dahil sa over fatigue and exhaustion bunsod ng halos walang pahingang pagtatrabaho kabilang ang pamimigay ng mga ayuda sa mga binahang residente dulot ng bagyong Egay at Falcon. 

Oktubre o isang buwan ang nakalipas ay agad naman itong aktibo muling bumalik sa kanyang regular na mga tungkulin at gawain ng pamumuno sa lalawigan at paglilingkod sa mga kababayan. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Tacloban’s sweet and special binagol

TACLOBAN CITY—Sixty five year old Viginia Aguilar Orollo on...

Center for Agriculture and and Development (CARD) MRI Center Meeting in Tacloban City

TACLOBAN CITY—CARD MRI officers, members and clients conduct their...

Thai consumers seek new flavors of salty snacks

Companies need to get ready to elevate the snacking...