Iprinisinta ni Bulacan Provincial Jail Warden Ret. P/LT COL Marcos C. Rivero kasama si P/LT COL Rizalino A. Andaya (dulong kanan) ang tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na BJMPRO-III’s BEST 2022 Special Award mula sa Bureau of Jail Management and Penology Regional Office III para sa ‘di-matatawarang suporta nito sa huli sa pamamagitan ng matagumpay na pagpapatupad ng safekeeping at mga programang pangkaunlaran sa ginanap na Lingguhang Pagtataas ng Watawat nitong Lunes sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Nasa larawan din sina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro.