Mga larawan ni Anton Luis Catindig

Nasa 1,500 pamilya mula sa Barangay Sta. Cruz, Bayan ng Guiguinto na apektado at nalubog sa baha dulot ng mga pag-ulan dala ng bagyong Egay at habagat ang tumanggap ng relief packs mula sa Provincial Government of Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando, Bise Gob. Alex Castro, Mayor Agatha Cruz, Bokal Cesar Mendoza kasama ang mga barangay officials ng lugar kahapon Lunes sa kanilang covered court. Libo-libong mga relief goods ang patuoy na nakagayak at inihahanda ni Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) chief Rowena Joson-Tiongson, may hawak ng mikropono, para sa mahigit 170,000 pamilya na binubuo ng mahigit 850,000 residente mula sa 24 na mga bayan at syudad sa lalawigan na apektado ng nasabing kalamidad