Bise Gob. Alex Castro: Bababa ako sa mga bayan, hindi lang dito sa bulwagan

Published

LUNGSOD NG MALOLOS—Ibang uring lingkod-bayan at pamumuno ang ihahatid ng bagong Bise Gobernador Alex Castro ng Bulacan sapagkat hindi lamang siya mananatili sa loob ng bulawagn ng sangguniang panlalawigan kundi lalabas siya at bababa sa mga bayan-bayan upang direkta ring mapaglingkuran ang mga kalalawigan.

Ito ang pahayag ng bise gobernador matapos ang kanyang inaugural session nitong Huwebes, Hulyo 14 sa Bulwagan ng Sangguniang Panlalawigan sa Capitolyo. “Bagong mukha ng Bulacan, bagong istilo tayo ng paglilingkod-bayan dito sa ating sangguniang,” pahayag niya sa mga miyembro ng media.

Habang isusulong at lubos na susuportahaan ang 10-Point Agenda ni Gobernador Daniel Fernando ay hindi umano siya magkukulong lamang sa apat na sulok ng bulwagan bagkus ay direkta rin siyang makikihalubulo sa mga Bulakenyo upang lubos niya at ni Fernando na mapaglingkuran ang kanilang mga mamamayan.

Katunayan, sa panahon ng kampanya ay sinabi nitong isa sa pangunahing ipapatupad niya kapag siya ay naupo ng bise gobernador ay ang magtayo ng sub-offices sa mga bayan bayan o distrito upang ilapit sa tao ang kanyang tanggapan at hindi na mahirapan at magastusan pa ang mga mamamayan kung tutungo pa sa Capitolyo.

Ito rin umano ang ibabahagi niyang uri ng paglilingkuran ng makabagong mga bise gobernador ng panahon sa kanyang nasasakupan sa buong Region-3 bilang bagong halal na pangulo ng Central Luzon Vice Governor’s League. Ilang araw bago ang kanyang inaugural session ay nahirang siyang pangulo ng nasabing Samahan.  

Binansagang “Bagong Mukha ng Bulacan,” subalit hindi bago sa paglilingkod-bayan si Castro sapagkat 20 taon na itong elected leader ng lalawigan simula pa lamang sa edad na 16.

Taong 2002-2007 ng unang masabak si Bokal Alex sa larangan ng pamumuno at pagsisilbi sa mga kababayan ng siya ay mahalal na Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng Barangay Lias ng bayang Ito at ng SK Federation ng buong probinsiya ng Bulacan.

Dahil sa kanyang mahusay na pamumuno, taong 2005 ay kinilala siya bilang Outstanding SK Federation President ng Gintong Kabataan Awards.

Sa kabila ng pagtataguyod ng mga programang pang-kabataan sa buong lalawigan ay hindi tumalikod sa pormal na edukasyon ang batang opisyal sapagkat tinapos niya ang kanyang kursong AB Mass communication sa Far Eastern University (FEU).

Taong 2007-2010 ng una siyang nahalal bilang konsehal ng Bayan ng Marilao at pinakabatang konsehal ng Bulacan.

Taong 2010-2013 ay muli siyang nahalal na konsehal ng Marilao sa pangalawang pagkakataon. Nang taong 2010 ay kinillala siya bilang Outstanding Councilor ng Bulacan sa Gawad Galing Sanggunian Award.

Matapos ito ay patuloy na yumabong ang political career at ang quality pubic service  ng batang opisyal kaya taong 2013 ay ginawaran siya ng Outstanding Councilor of the Philippines, People’s Choice Award.

Taong 2016 naman ng sumampa na siya sa pagiging mambabatas ng Capitolyo bilang Bokal ng ika-4 na Distrito at siya nga ay pinalad na nanalo rin. Sa unang termino niya bilang bokal, 2016-2019 ay nahalal siyang pangulo ng National Movement of Young Legislators ng buong Region 3.

Nang siya ay mahalal sa ikalawang pagkakataon bilang bokal ng ika-4 na Distrito noong 2019 hanggang sa kasalukuyan, ay nanunungkulan siya bilang NMYL National Assistant Secretary General.

Marami siyang mga panukalang batas para sa paglilingkod at pagbibigay suporta sa kanyang mga ka-distrito at kababayan sa Marilao ang patuloy na naipapatupad.

Taong 2021 ay tinanggap naman niya ang Gawad Filipino Dangal ng Bayang Filipino Outstanding Public Servant of the Year Award.

Una sa listahan ng batang opisyal ang paglingap sa mga maliliit na kababayan dahil siya mismo ay nagmula sa isang hamak na pamilya bilang anak ng isang Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) lider ng kanilang barangay. Sa kabila noon ay marangal na itinaguyod ng kanyang ina ang buo nilang pamilya.


Gayundin bilang batang lingkod bayan ay naitaguyod din niya kahit paano ang kanyang pag-aaral at nakatulong din siya sa kanyang pamilya.

 
Dahil sa angking kakisigan ay hindi lang sa pulitika natapos ang magandang kapalaran ni Bokal Alex dahil nagbukas din sa kanya ang pintuan ng showbiz at siya ay nagkaroon ng mga palabas sa TV at naging commercial model.


Mula rin sa showbiz ang bumighani sa batang opisyal at sa kasalukuyan ay happily married sila ng kanyang asawa at sila ay biniyayaan ng tatlong supling.

Mariin ding isusulong at susuportahan ni Castro ang Universal Health Care program upang mabenepisyuhan ang mga Bulakenyo.

Si Castro ang nagpanukala ng Frontliner’s Day sa lalawigan tuwing Marso 16 bilang pag-alaala sa mga medical frontliners na nag-alay ng buhay at sarili upang isalba ang sambayanang Pilipino mula sa mabagsik at nakamamatay na COVID-19.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Crafting Dreams Together

Josephine Ramos, Junior Writer Susana Grabillo, 55, from Barangay Basiao,...

NLEX Empowers Young Women through BRAVE Program

NLEX Corporation recently launched another woman-centered community development program...

Navigating the Information Ocean: Why Media and Information Literacy Important

Kwento Co Media and information literacy (MIL) has become a...

Supreme silence: Dynasties still unchecked

By Herman M. Lagon When the Supreme Court clarified on...