Howard, nanumpa bilang bagong Pangulo ng Pederasyon ng SK sa Bulacan

Published

LUNGSOD NG MALOLOS– Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang panunumpa sa tungkulin ni Casey Tyrone Estrella Howard mula sa Lungsod ng Baliwag bilang bagong Pangulo ng Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Lalawigan ng Bulacan sa EDSA Shangri-La, Lungsod ng Mandaluyong kahapon.

Hinikayat ng bagong lider ng kabataan sa lalawigan ang kanyang kapwa opisyal ng SK upang samantalahin ang maikling panahon ng katungkulan upang gumawa ng epekto sa buhay ng kabataan na kanilang mahahawakan at mapagbabago.

“Dalawang taon at ilang buwan na mandato lamang pero wala po iyan sa iksi o haba ng panunungkulan. Let us be more excited to make this short period a really genuinely memorable one for us and our young constituents,” ani Howard.

Pinaalalahanan ni Fernando ang mga lider kabataan na ang kapangyarihan ng mga lingkod bayan ay pahiram lamang ng mga mamamayan at dapat ibalik sa pamamagitan ng matapat at mapagkalingang serbisyo.

“Isang panawagan ang nais kong ipaabot, sana ay simula pa lamang ito ng pag-alab ng inyong pusong makabayan at makatao. Simula pa lamang ito ng inyong pagyakap sa tawag ng serbisyo,” anang gobernador.

Sa kanyang bahagi, binati ni Bise Gob. Alexis C. Castro ang bagong ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan at hiniling na mapagtagumpayan at malampasan niya ang mga inaasahan at pagsubok na kaakibat ng posisyon.

Samantala, ipinarating ni outgoing SK Federation President Robert John Myron Nicolas ang kanyang pagbati sa kanyang kapalit at sinabi na bukas palagi ang kanyang pintuan kung kailangan nila ng tulong at payo.

Kabilang sa iba pang nahalal na mga opisyal ng SK sina Marco Trajano mula sa Santa Maria bilang Pangalawang Pangulo, Jin Marie Mizuse mula sa Lungsod ng Meycauayan bilang Kalihim, Louie Marvin Tomacruz mula sa Paombong bilang Ingat-Yaman, Shaine Trisha Baltazar mula sa Bulakan bilang Tagasuri, Marcuz Gutierrez mula sa Plaridel bilang PRO, at Charles Mananghaya mula sa San Ildefonso at John Lei Delos Reyes mula sa Obando bilang Sergeant-at-Arms.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

IMPULSES: Fishery fragility unfolds

By Herman M. Lagon     Poor fishing threatens Iloilo's economy and...

SOLUTIONS JOURNALISM PROGRAM ON SMALL-SCALE GOLD MINING LAUNCHED

Gibby Gorres MANILA, PHILIPPINES - Applications for a solutions journalism...

PGB reasserts ownership of 12-hectare property in Malolos

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB)...

IMPULSES: Unmasking flaws in testing

By Herman M. Lagon THE NATIONAL Achievement Test (NAT) and...