Lalaking nag ‘BEASTMODE’ sa kahabaan ng McArthur Highway, huli ng Balagtas Police

Published

BULAKAN, Bulacan–Arestado ang isang 26 anyos na pinaghihinalaan ng mga pulis na lango sa droga na driver ng isang kotse matapos rumagasa at manuro ng mga sasakyan at ilang pedestrian sa bayang ito at sa Guiguinto kaninang hapon.

Nagdulot ng mahigit 2 oras na pagkaantala sa daloy ng trapiko sa Barangay Balubad sa bayang ito matapos masakote ng mga pulis mula sa isang car chase ang suspect na si Jomar Bardillon Idago, 26, mula sa Barangay Pasong Bangkal, San Rafael.

Ayon kay Police Major (PMAJ) Michael Udal, hepe ng Balagtas police, nagsimula ang car chase sa may harapan ng Balagtas public market sa MacArthur highway  bandang 4:30 ng hapon hanggang makarating sa Guiguinto at kumaliwa pabulusok sa Barangay Tabang papunta sa bayang ito hanggang sa sumadsad na ang minamaneho niyang kotse sa kabahayan sa Balubad.

Ang kotse na minamaneho ng suspek na sumalpok sa fence ng isang residente ng Balubad. Larawan ni Anton Luis Catindig

Ayon kay Udal, hindi bababa sa 5 katao at mga sasakyan ang sinagasaan at sinuro ng suspek habang minamaneho nito ang isang colored black na Kia Rio sedan na may plakang TQK-572. Ganunpaman, hindi nakakabit ang nasabing plaka at nakuha lamang ito sa loob ng sasakyan.

Itinimbre umano ng mga traffic enforcers sa Balagtas ang panunuro at pagragasa ng sasakyan ng suspek at  agad naman nga siyang hinabol ng nagpapatrolyang Balagtas police  hanggang sa tuluyan itong masukol nang mag running flat na ito ng kanyang minamanehong sasakyan.

Ang ilan sa mga biktima ng pananagasa ng suspek ay naisugod na sa Bulacan Medical Center, ayon kay Balubad Barangay Captain Jun Bernardino.

Samu’t saring mga improvised na armas, mga cellphone, ilang plastic sachets ng shabu at marijuana, mga drug paraphernalia, ilang plaka at sangkaterbang damit ang nakumpiska sa suspek mula sa kanyang minamanehong sasakyan.

Ang flat na gulong ng kotse na minamaneho ng suspek na sumalpok sa fence ng isang residente ng Balubad. Larawan ni Anton Luis Catindig

Ayon kay Udal, patuloy pa nilang inaalam kung saan galing at saan papunta ang suspect gayundin ang mga nakumpiskang mga improvised na armas. Ayon kay Udal ang mga armas ay karaniwang gamit sa bilangguan o kaya ay sa mga gang wars.

Wala naming nakuhang baril ang kapulisan mula sa suspek.

Dumating din ang isang complainant na sinuro rin diumano ng suspek ang kanyang minamanehong pulang Toyota Innova.

Nahaharap ang suspek sa patung-patong na kaso gaya ng paglabag sa  RA 9165, RA 4136 Reckless Driving, Driving Under the Influence at iba pa.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

IMPULSES: Fishery fragility unfolds

By Herman M. Lagon     Poor fishing threatens Iloilo's economy and...

SOLUTIONS JOURNALISM PROGRAM ON SMALL-SCALE GOLD MINING LAUNCHED

Gibby Gorres MANILA, PHILIPPINES - Applications for a solutions journalism...

PGB reasserts ownership of 12-hectare property in Malolos

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB)...

IMPULSES: Unmasking flaws in testing

By Herman M. Lagon THE NATIONAL Achievement Test (NAT) and...