Malasakit sa Marsong tag-init, Free laboratory exam at gamot handog ni Vice Mayor Tugna

Published

Nasa 150 most needy indigents at mga may sakit sa Barangay Lolomboy, Bocaue ang hahandugan ng libreng laboratory exam, eye consultation, eyeglasses (kapag inadvice po ng doctor) at gamot sa pamamagitan ng medical mission na handog ng kanilang Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna. 

Ang tulong sa mga taga Barangay Lolomboy na gagawin sa Covered Court ng lugar 6 a.m. – 10 a.m ngayong araw, Marso 31 ay bilang isang maagap na medical attention ng pangalawang ama ng Bayan ng Bocaue para sa kanyang mga nasasakupan lalo na ngayong panahon ng tag-init kung saan marami ang maaring tamaan ng hypertension, heat stroke kaya mahalagang magawan ng medical laboratory exam upang matukoy agad kung may karamdaman. 

Kabilang sa laboratory exam ang FBS, Total Cholesterol check, BUN, Uric Acid, CBC with platelet, Urinalysis, SGPT, ECG, Eye exam, eyeglass at gamot.

Ayon sa bise alkalde, ang aktibidad ay una pa lamang sa kanyang programa para sa buong bayan na paglalapit ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan at marami pa ang mga nakalinyang susunod pang handog na proyekto. 

Nauna na rito ang iba pang naging handog at tulong na katulad bg ganitong programa kabilang ang palagiang free legal services, gift and feeding programs at marami pang iba. 

Ipinaalala rin ng opisyal ang palagiang pag-inom ng tubig at pag-iwas sa maiinit na lugar at direktang pagkabilad sa init ng araw upang maiwasan ang ano mang sakit ngayong Marso at Abril na tag-init. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Ripple Labs Secures RLUSD Approval, XRP Price Rises Over 23%

Ripple Labs achieves a milestone with NYDFS approval for...

Experts tackle tech trends at TMT forum

The Manila Times (TMT) BPO and Tech Forum 2024,...