LUNGSOD NG MALOLOS-Umabot sa mahigit P38-bilyong halaga ng investments ang pumasok sa Bulacan sa kabila ng mga lock downs noong panahon ng matinding pandemya taong 2020-2021, ayon kay Gob. Daniel Fernando.
Ito ang ipinahayag ng gobernador na isa sa pinakamalaking tagumpay na tinamo ng kanyang unang tatlong taong administrasyon sa pasinayang pagpupulong ng ika-11 Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng bagong halal na Bise Gobernador Alex Castro nitong Huwebes.
Dahil dito, ayon sa gobernador ay kinilala ang Bulacan bilang kasama sa Top 10 Most Competitive and Most Business Friendly Province noong 2020.
Kaugnay nito, ipinagpapatuloy ngayon ng Capitolyo ang 2-3 jobs fair kada buwan upang patuloy na makapagbigay ng hanapbuhay sa mga Bulakenyo kabilang din ang mga peoyektong may kinalaman sa cooperatiba.
Nakapagbigay ang Capitolyo ng 103 mga bahay sa mga informal settlers gayundin ang pagbbigay ng mga hanapbuhay sa 9,000 na nabiktima ng mga sakuna.
Ang mga programang ito ng kanyang administrasyon ay base umano sa kanyang 10-Point Agenda. Ginawa niya umano itong 10 mula sa 7 lamang noon upang higit na makatugon sa mas maraming pangangailangan ng mga kalalawigan.
Ayon sa gobernador, 2 milyon na food packs ang naipamigay ng pamahalaang panlalawigan mula sa social amelioration program ng Department of Social Welfare Development (DSWD). Dahil umano sa mga programang ito at katulad nito, ang Bulacan Provincial Social Welfare Development Office ay ginawaran ng pibakamataas na level 3 na pag kilala ng national government.
Gumastos din umano ang lalawigan ng P297-milyon para sa municipal at barangay road concreting projects, asphalting, improvements of drainage system, street lights at iba pang pagawain.
Ang Bulacan Provincial Library ay kinilala umano sa buong bansa dahil sa pagtatala nito ng 375,628 na pinakamataas na physical and online service users kahit pa sa panahon ng pandemya. Nangangahulugan umano ito ng pagiging aktibo ng mga Bulakenyo sa mga gawaing pangkaalaman at pagtuklas ng mga nakasulat sa libro at sa internet.
Ang Capitolyo, ayon din sa gobernador ay nakapagbigay ng P143, 501 milyon scholarship funds para sa 45,479 scholars ng probinsiya simula Agosto 2019 hanggang Disyembre 2021 habang ang 3 scholarship program noong nakakaraang taon ay ginawa niyang 8 sa kanyang panahon.
Nasa 102 school buildings din umano ang kanyang ipinatayo sa kanyang unang tatlong taon kung saan ito ay may 400,000 classrooms na nagkakahalaga ng P711-milyon.
Dahil sa naging epekto ng pandemya sa turismo sa lalawigan kung saan marami sa saktor na ito ang nawalan ng hanapbuhay, ang Capitolyo umano ay nakapagkaloob ng P9-milyong halaga ng mga tulong panghanapbuhay o puhunan sa mga apektado.
Kinilala rin umano ang mahusay na performance ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office sa pangunguna ni Felicizima Mungcal hindi lang sa buong rehiyon kundi maging sa buong bansa.
Pinalitan umano sa kanyang panunungkulan ang mga lumang kagamitan sa Bulacan Medical Center at malaking tulong din umano ang mga bagong biling kagamitang ito kung bakit at paano naitawid ang lalawigan mula sa madilim na dulot ng pandemya.
Ipinagmalaki rin ng gobernador ang pagkakaroon ng Bulacan ng Bulacan Infection Control Center (BICC) na nagamit sa buong panahon ng pandemya kung saan dito ginamot ang mga tinamaan ng COVID-19 at pagtatayo ng Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory kabilang din ang GeneExpert Laboratory sa loob mismo Bulacan Medical Center hall and grounds na mabilis na nakapagsasagawa ng COVID-19 tests.
Dahil dito, kinilala ang Bulacan bilang isa sa mga lugar sa bansa na pinakamaagang naabot ang herd immunity at nahigitan pa ito.
Nagpatupad din ang probinsiya ng Bulacan Surge Capacity program sa BMC upang mai-focus ang BICC sa pag-gamot sa mga tinamaan ng Covid-19.
Kabilang din sa 10-Point Agenda ng gobernador ang Farmer’s Training Center sa Capitol Grounds at ang nakatakdang simulang Productivity and Animal Breeding Center sa Bayan ng Dona Remedios Trinidad (DRT).
Dahil din umano sa mahusay na pamumuno ni Atty. Juvic Degala sa Bulacan Provincial Environment and Natural Resources (BENRO) ay napataas ang collection ng mga environmental fees habang napaigting ang proteksyon sa kalikasan. Binati ng gobernador ang magaling na performance ni Degala.
Gayundin, pinuri ng gobernador si Bulacan Police Director Charlie Cabradilla sa pagpapanatili nito ng peace and order sa lalawigan kabilang ang mabilis na pag-aresto sa suspek sa pagpatay sa 24 years old na dalagang engineer na si Princess Dianne Dayor.
Ayon kay Bise Gobernador Alex Castro, sa 10-Point Agenda na ito iinog ang mga pangunahing ordinansang kanyang pangungunahang ipasa sa sanggunian sapagkat dito nakapoob ang lahat ng mga programang makakatulong sa sambayanang Bulakenyo.