Pandi ex-mayor, 3 iba pa kinasuhan ng P50-M plunder case 

Published

PANDI, Bulacan–Sinampahan ng pamahalaang bayan ng mahigit P50-milyon halagang plunder case sa Office of the Ombudsman ang dating alkalde ng bayang ito kasama ang ilang opisyales dahil sa diumano’y naging anomalya sa proyektong Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat (Salintubig) noong 2016, 2017 at 2018. 


Isinampa ni Armando Concepcion, acting municipal administrator ng Pandi ang plunder case at illegal use of public funds or property (technical malversation) laban kina ex-mayor Celestino “Tinoy” Marquez at mga kasama nito na sina Konsehal Jonathan Antonio, Gavino Austria at Crispin Castro. 


Ang mga kasong isinampa ay base umano sa nakaraang ulat na inilabas ng Commission on Audit (COA). 


Ayon sa ulat ng COA, ang Salintubig project ay ipinagkaloob ng Department of Interior and Local Government DILG sa Pamahalaang Bayan ng Pandi sa ilalim ng “Provision of Potable Water Supply” na mas kilala bilang “Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat.  Layunin ng proyektong ito na magbigay ng mura, malinis, at maayos na supply ng tubig sa mga relocation sites sa Bayan ng Pandi. 


Base pa sa ulat ng COA, ilan sa mga tumangap ng supply ng tubig sa ilalim ng proyektong ito ay hindi kabilang sa mga itinalagang benepisyaryo ng DILG. 


Dahil dito, ang layuning iyon ng nasabing proyekto ay hindi lubusang nakamit at hindi nakapaghatid ng kapakinabangan sa mga mamamayan ng Bayan ng Pandi. Ayon din sa report,  hindi alinsunod sa probisyon ng Philippine Public-Private Partnership (PPP) Law ang pagsasagawa ng nasabing proyekto. 


Nakapaloob din sa report na hindi naging maayos ang serbisyo ng tubig sa mga kabahayan dahil sa hindi sa lahat ng oras ay may supply ng tubig bukod sa mahina pa ang daloy nito ay hindi malinis.


Ayon sa isang dating empleyado ng munisipyo, ang umano’y kinulimbat na mahigit na P50 milyon na pondo ay ginamit upang pondohan ang kandidatura noong 2019 election ng ilang sangkot sa kasong nabanggit.
Dagdag pa rito, lumalabas na si Marquez ay nakipagkontrata sa isang pribadong kontraktor ng walang legal na kapahintulutan mula sa Sangguniang Bayan ng Pandi.


Mariin naman itong itinanggi ni Marquez at sinabi nito sa NEWS CORE na walang direktang kinalaman ang munisipyo sa pangunguna niya sapagkat ang DILG umano ang may proyekto dito na siyang nag-implement at nag-monitor. Tinanggap lamang umano niya ang proyekto.


Sinabi pa niya na kung Ito ay totoo ay bakit ngayon lamang sila inihabla samantalang 2019 pa ng siya ay nakaupo bilang mayor.


Dagdag pa ni Marquez na si Castro at Antonio na pawang konsehal ngayon ay hindi pa naka puwesto ng ipatupad ang Salintubig noong 2016 kaya’t wala itong kinalaman sa proyekto. 


“Tinanggap lamang namin sa munisipyo ang project at wala kaming ginawang pagpapatuoad dito kundi ang DILG,” pahayag ng dating alkalde. 


Pahabol ni Marquez na kung totoong hindi aprubado ng sangguniang bayan ang nasabing proyekto, ang lahat ng konsehal kasama ang vice mayor ay nagkaroon ng pagkakamali, subalit bakit umano hindi kasama ang karamihan sa inihabla at pili lamang. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Crafting Dreams Together

Josephine Ramos, Junior Writer Susana Grabillo, 55, from Barangay Basiao,...

NLEX Empowers Young Women through BRAVE Program

NLEX Corporation recently launched another woman-centered community development program...

Navigating the Information Ocean: Why Media and Information Literacy Important

Kwento Co Media and information literacy (MIL) has become a...

Supreme silence: Dynasties still unchecked

By Herman M. Lagon When the Supreme Court clarified on...