Sagot ng national gov’t ang vaccine, P130-M ibibili ng mga ICU machines, etc

Published

SIYUDAD NG MALOLOS—Kaya ng national government ibigay sa mga Bulakenyo ang mga bakunang kailangan ng mga ito laban sa Coronavirus (COVID 19) at hindi na kailangang gastahin sa ngayon ng Bulacan Provincial Government ang P130-Million pondo na inilaan dito, ayon  kay Secretary Carlito Galvez, head of the Inter Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases.

Sa isang text message reply ni Secretary Galvez sa NEWS CORE, sinabi nitong pinayuhan niya si Gov. Daniel Fernando na huwag mag-alala sa bakunang kailangan ng mga Bulakenyo dahil may sapat na kakayahan ang national government upang ipagkaloob ito partikular sa National Capital Region at sa Plus Bubble na mga probinsiya kabilang ang Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.

“Yes, there is enough vaccine for NCR PLUS and other mostly affected areas….”.

Kinumpirma ng Kailihim na pinayuhan nga niya ang gobernador na mas makabubuting sa ibang programa o proyekto laban sa COVID 19 sa lalawigan gamitin ang nasabing allotted budget.  

Naunana itong ipinahayag ni Gob. Fernando noong Miyerkules sa harap ng mga representatives ng 21 bayan at tatlong siyudad sa lalawigan sa loob ng Capitol Gymnasium na tumanggap ng 3,265,167 na face masks na ibinaba sa Bulacan sa ilalim ng “Mask Para sa Masa” program ng Office of the President. Naroon din sa nasabing event ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbubay sa Ating Disadvantageous/Displaced Workers (TUPAD) na kaloob ng tanggapan ni Senador Joel Villanueva.

Gayundin, ito rin ang pahayag ng gobernador sa NEWS CORE at iba pang mamamahayag sa panayam sa nasabing programa.

Kung kaya naman ay nauna ng pinulong ng punong lalawigan si Dr. Hjordis Marushka Celis, director ng Bulacan Medical Center Director, head Response Cluster of COVID 19 Provincial Task Force and co-chair of the Vaccination Operation Center of Bulacan upang pag-usapan ang equipments na kailangang kailangan ng ating lalawigan upang palakasin ang kakayahan ng ating mga hospitals upang mapagaling ang ating mga kababayang tinamaan ng COVID 19.

Priority sa mga bibilin at paglalaanan ng pondo mula sa nasabing P130-Million na dapat pambili ng bakuna kontra COVID 19 ay ang mga Intensive Care Units (ICU) at marami pang ibang pinakamahahalagang gamit o aparato.

Sa ngayon, sa ilalim ng Bulacan COVID 19 Surge Design, pinalaki at pinalawak hanggang 200 bed capacities ang Bulacan Infection Control Center (BICC) na siyang COVID hospital ng Bulacan dahil sa pamamagitan ng pag-gamit na rin ng OB Gyne Building ng Bulacan Medical Center bilang dagdag na COVID 19 hospital. Sa ilalim nito ay may 30 ICU beds ang BICC at OB Gyne Building kabilang ang dialysis units and machines.

Subalit ayon sa gobernador ay kulang pa rin ito at saksi siya paghihirap ng ating mga kababayan sa mahabang pilang dinaranas ng mga ito para ma-admit sa BICC.

“Kaya’t nagpapasalamat tayo at may pambili tayo sa kailangan nating dagdag na hospital equipments tulad ng mga ICU upang mapag-serbisyuhan natin ang lalo’t higit nating mga nangangailangang pasyente ng COVID-19. Malaking tulong ang pagsagot ng national government sa ating mga bakuna,” paliwanag ng gobernador.

Ayon sa 70% herd immunity requirement, nasa mahigit 2 milyong Bulakenyo ang dapat mabakunahan mula sa mahigit 3.2 milyon nitong residente.   

Sa ngayon, nabakunahan na ang mga medical front liners, seniors citizens at mga co-morbidity cases. Malaking porsiyento pa ang naiiwang hindi nababakunahan.

Sa pulong ni Pangulong Duterte sa Inter Agency Task Force (IATF) on the Emerging Infectious Disease noong Miyerkules ng gabi, ibinalita ni Secretary Galvez kay Pangulo na padating ngayong mga susunod na linggo at buwan ang mahigit dalawang milyong bakuna at inaasahang ngayong taon din darating ang malalaki pang bahagi nito para sa pangangailangan ng mga Pilipino.    

Noong Huwebes ay nagpahayag ng pangamba si Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado sa isang privilege speech sa regular session ng sangguninag panlalawigan at sinabi nitong mabuting ituloy na ng Capitolyo ang pagbili ng mga bakuna sapagkat iyon lamang ang talagang magliligtas sa mga Bulakenyo mula sa napaka-mapinsala at mabagsik na COVID 19.

Kahit na daw sinabi ng national government ma sagot na nito ang bakuna ng mga Bulakenyo ay mas mabuti na ring bumili na ang lalawigan at pumasok na ito sa tripartite agreement upang makabili na.

Subalit ayon kay Gob. Fernando bukod sa advise ni Secretary Galvez na ang national government na ang bahala sa bakunang kailangan ng mga Bulakenyo, kahit pa umano makipag-tripartie ay hindi rin magiging priority na mapagbilan ang Bulacan sapagkat ang supply sa national government ang inuuna.    

Ayon sa gobernador, nariyan at nakikita ng lahat na halimbawa ang mga bayan o siyudad na nauna ng nakipag-tripartite subalit nananatiling wala pa ang kanilang inorder na bakuna.

Lubos ang pag-aalala ni Bise Gob. Alvarado sa higit na lalong proteksiyong kailangan ng mga Bulakenyo mula sa COVID 19 lalo na nga at marami ng Bulakenyo ang namatay dahil dito kabilang ang limang active medical front liners at essential workers ng Capitolyo. Maging si Gob. Fernando ay tinamaan din mismo ng COVID 19 noong Setyembre.

Pahabol ng gobernador, habang naghihintay ang lahat sa bakuna ay pinatatatag ng Bulacan ang lahat ng hospitals nito lalo na ang BICC at BMC kontra COVID 19. Base sa pinakahuling tala ng Bulacan, ang mga namatay dahil sa sakit na COVID 19 ay umabot na sa 646 at ang mga kaso ay 26 665, habang ang recoveries ay 23,256.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

IMPULSES: Fishery fragility unfolds

By Herman M. Lagon     Poor fishing threatens Iloilo's economy and...

SOLUTIONS JOURNALISM PROGRAM ON SMALL-SCALE GOLD MINING LAUNCHED

Gibby Gorres MANILA, PHILIPPINES - Applications for a solutions journalism...

PGB reasserts ownership of 12-hectare property in Malolos

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB)...

IMPULSES: Unmasking flaws in testing

By Herman M. Lagon THE NATIONAL Achievement Test (NAT) and...