1 patay, 52 sugatan at nagalusan sa gumuhong balcony ng simbahan sa San Jose del Monte

Published

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE—Isang 80-anyos na lola ang namatay matapos atakihin sa puso dahil sa idinulot na blunt trauma at dalawa pa ang kasalukuyang ginagamot sa ospital habang mahigit 50 ang iba pang mga nagalusan nang gumuho ang balcony ng isang simbahan sa lungsod na ito habang idinadaos ang misa para sa Ash Wednesday.

Ayon kay Police Col. Edilmar Alviar, hepe ng pulisya ng siyudad, nasa kalagitnaan ng misa sa loob ng simbahan ng St. Peter The Apostle Parish sa Barangay Tungkong Mangga bandang 7:00 ng umaga ang kulang 300 deboto ng biglang gumuho ang gawa sa kahoy na balcony ng simbahan.

Isa sa nabagsakan ng kahoy si Luneta Morales, 80 anyos, mula sa Dela Costa Homes, Barangay San Manuel ng lungsod na ito. Agad siyang isinugod sa Ospital ng Lungsod ng San Jose del Monte. Ganunpaman, dahil sa blunt trauma ay inatake siya sa puso at namatay bandang 1:30 ng hapon.

Isinugod din sa iba’t-ibang mga ospital sa lungsod at maging sa Tala Hospital sa katabing Caloocan City ang iba pang nasugatan.

Sa interview kay Alviar ngayong Huwebes, sinabi nito na lahat ng 52 mga nasugatan at nagalusan ay sina Christopher Litonjua, 49, isang lay minister na nasa QualiMed Hospital at si Maurice Jade Gutierrez, 15 na nasa Brigino General Hospital na lamang na nagtamo ng fractures ang kasalukuyang ginagamot at ang lahat ay nakauwi din agad mula sa ospital dahil wala namang tinamong malubhang sugat at pawang slight bruises lamang.

Sinabi nito sa NEWS CORE na ang mga pawang nasugatan ay ang mga nasa ilalim na nabagsakan ng mga kahoy ng gumuhong balcony at halos ay mga galos at gasgas lamang ang tinamo ng mga nasa loob ng gumuhong balcony.  

Ayon kay PCpl. Nico Centeno, imbestigador mula sa pulisya ng San Jose del Monte, inanay na at nagapok ang mga kahoy ng balcony ng simbahan kung kaya’t ito ay bumigay at gumuho.

Sinabi naman ni Alviar na dahil na rin sa dami ng tao sa balcony, ang gapok na kahoy nito ay bumigay na at siyang naging dahilan kung bakit ito gumuho.

Ang balcony na gawa sa kahoy ay ginawa noong 1994 o 30 taon ng nakakalipas.

Ayon naman kay Mayor Arthur Robes, ang lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte ang sasagot sa mga gastusin sa ospital ng mga biktima kabilang ang burial expenses para kay Morales.

Sinabi rin ng alkalde na tutulong siya at ang lokal na pamahalaan upang maipagawa at maipaayos ang gumuhong balcony ng simbahan.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Taliptip, Perez road rehab tapos ngayong June

BULAKAN, Bulacan—Sunod sa schedule na matatapos ngayong buwan ng...

SM Bulacan malls celebrate 126th Philippine Independence Day

SM Malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan joined the...

EVAP Welcomes New Member QSJ Motors Philippines, Launches Seres Brand in Local Market

Manila, Philippines, June 10, 2024 – The Electric Vehicle Association...

Prayer for the flag

By Herman M. Lagon As the vibrant flags flutter and stories of...