2,000 BulSU students at JODA members tumanggap ng tig-P5,000 ayuda

Published

SIYUDAD NG MALOLOS—Isang libong mga estudyante ng Bulacan State University (BulSU) at 1,000 ding mga miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) sa Unang Distrito ng Bulacan ang tumanggap ng tig- P5,000 halagang ayuda bawat isa kamakailan lamang.

Ang mga ayudang ipinamahagi ay mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at gayundin mula sa tulong ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party List Rep. Rep. Jude Avorque Acidre kasama ang tanggapan ni Bulacan First District Congressman Atty.  Danny A. Domingo (DAD).

Ang pamimigay ay isinagawa sa Valencia Hall ng BulSU noong Agosto 30, kasabay ng pagbubukas at pagpapasinaya ng araw ding iyon ng Alagang Tingog Center (ATC) ni Tingog Party List Rep. Acidre.

Kasama rin sa pamimigay ng ayusa sina PAGCOR Chairman Alejandro Tengco, Gov. Daniel R. Fernando, Vice Gov. VG Alex Castro, Mayor Christian Natividad, Vice Mayor VICE Migs Tengco Bautista, Special Assistant to the Speaker Juan Xavier Tengco, at BulSU President Dr. Teody C. San Andres.

Lubos na nagpapasalamat si Cong. DAD kay House Speaker Romualdez sa pagbababa ng tanggapan nito ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang

Bukod sa AICS, naghatid din ng kasiyahan si House Speaker at ang Tingog Party List sa pagbibigay ng mga raffle prizes para sa mga dumalong benepisyaryo.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

A CELEBRATION OF EXCELLENCE

Governor Daniel R. Fernando, Vice Governor Alexis C. Castro...

Don’t Miss the Insanithink Year-End Special at Viva Café!

Mark your calendars, comedy fans! The year is...