LUNGSOD NG MALOLOS–Umabot na sa 30 kaso ng leptospirosis ang naitala sa Bulacan habang 6 naman dito ang mga namatay simula Enero ng taong ito hanggang ngayong buwan, ayon sa Bulacan Provincial Health Office (PHO).
Sa pinakahuling tala ng PHO na inilabas nitong Biyernes, nagtala ang Lungsod ng San Jose del Monte ng 9 na kaso; ang Hagonoy at San Miguel tig- 3 kaso; Balagtas, Marilao, Obando at Pandi tig 2 kaso at Bustos, Lungsod ng Malolos, Lungsod ng Meycauayan, Plaridel, San Ildetonso, Sta. Maria at San Rafael ay mag tig-isang kaso.
Ang kaso ng 6 na mga namatay ay mula sa tig-2 kaso sa Lungsod ng San Jose del Monte at Hagonoy at tig-1 naman sa Lungsod ng Meycauayan at Pandi.
Ayon kay Dr. Edwin Tecson, Bulacan PHO Head, ang nasabing 30 related cases ngayong taon ay 150% na mataas kumpara sa parehong panahon noong 202. Ang mga biktima ay may edad na 1-60 subalit edad 21-30 ang karamihan sa kanila. Ayon pa kay Tecson, 87% sa mga nagkasakit ng leptospirosis ay kalalakihan at 17% ang kababaihan.
Paliwanag ni Tecson, ang isang tao ay nagkakaroon ng sakit na ito kung ito ay may sugat sa katawan o open wound at na-expose o lumusong ito sa baha o stagnant waters na kontaminado ng leptospira bacteria mula sa ihi ng hayop partikular ang mula sa daga.
Pinaalalahanan naman Patricia Ann Alvaro, PHO Health Education and Promotion Officer 2 ang mga residente na madalas lumusong sa baha at stagnant waters o low lying areas na magsadya agad sa health center sa kani-kanilang lugar kapag nakaramdam ng lagnat, muscle pain kabilang ang pananakit ng binti, sakit ng ulo at and pamumula ng mata.
Pinayuhan di ni Gob. Daniel Fernando ang mga magsasaka at mga residente na madalas talagang sumuong sa baha o sa stagnant water na palagiang magsuot ng bota bilang proteksiyon.
Maigting din niyang pinaalalahanan ang mga mayors ar barangay captains na patuloy na gawing prioridad ang paglilinis ng mga esteros at canals sa kani-kanilang lugar upang maiwasan ang water stagnation na hindi lamang maaaring makontamina ng leptospira bacteria kundi gayundin ay maging breeding ground ng dengue carrying virus.
Nauna ng naitalang mataas din ngayong 2022 ang mga kaso ng dengue kumpara noong nakaraang taon.
Pinaalalahanan di ng gobernador ang lahat ng mga Bulakenyo na ipagpatuloy ang paglilinis ng kanilang mga bakuran at kapaligiran upang maiwasan ang stagnant waters kontra leptospirosis at dengue.