300 Mangingisda, tumanggap ng gill nets at marine engine mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

Published

LUNGSOD NG MALOLOS – Namahagi ng tulong pangkabuhayan si Gob. Daniel R. Fernando sa mga mangingisdang Bulakenyo sa idinaos na Distribution of Gill nets and Marine Engine to Fisherfolks na ginanap sa Bulacan Sports Complex sa lungsod na ito kahapon.

May kabuuang 233 gill nets at 65 marine engines ang naipamahagi sa 300 Bulakenyong mangingisda mula sa Lungsod ng Malolos at mga bayan ng Hagonoy, Calumpit, Paombong, San Rafael at Obando.

Ayon kay Fernando, malaki ang papel ng agrikultura sa pag-unlad ng Bulacan. Pinayuhan din niya ang mga mangingisda na manatiling responsable at panatilihin ang kanilang kapanatagan sa panahon ng mga hindi inaasahang kalamidad sa lalawigan.

“Mamamayang Bulakenyo, pagdating sa pagbabawas, maging responsable. Upang makarating sa atin ang kaunlaran, kailangan nating maging handa sa mga pagbabagong makakamit sa ating lipunan. Ang hiling ko lang ay magtulungan tayo, magtulungan tayo para walang bagyong dumating, magtulungan tayo para maging maganda ang taon na ito para ipagpatuloy ng ating mga magsasaka ang kanilang negosyo, at magtulungan tayo na protektahan ang inyong mga batas,” ani Fernando.

Nagbigay din ang People’s Governor ng karagdagang tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P1,000 bawat mangingisda bilang karagdagang tulong sa kanilang mga pamilya.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Challenging online disinformation and harmful narratives

A digital comic series co-designed by RMIT students,...

Singapore Professionals Unlock Midlife Success with Resilience Coaching

Ace Digital Brings Expert Insights on Navigating Career &...

KITAS vs Business Visa: Choosing the Right Permit to Work in Indonesia

Indonesia, with its dynamic economy and diverse culture,...