DONA REMEDIOS TRINIDAD (DRT), Bulacan–Taste more the real nature, uminom ng mainit na tsokolate batirol sa buho ng kawayan bilang “welcome drinks” at puwede ring “all stay drinks” sa isang glamping site and farm sa bayang ito.
Ang Madrona’s Jungle Edge Farm sa Barangay Talbak ay naghahain ng libreng inuming ito sa kanilang mga guests bilang isang dagdag na treat upang mas higit na maipadama ang kanilang nature trip and fun at pansamantalang ilang oras na pagtalikod muna sa real world sa buhay siyudad.
Ang tsokolate batirol ay gawa mula sa inaning cacao sa cacao plantation sa three hectares agro farm ng pamilya ni Nanay Neneth Madrona, kilala bilang KusiNanay. Ang hot chocolate ay mas lalong pinasarap sa pamamagitan ng paggamit ng Stevia sugar bilang sweet enhancer.
Si Madrona na matagal na naka-base sa Taguig ay may catering business subalit dahil sa pandemya simula noong isang taon ay umuwi sa kanilang farm glamping site sa Talbak upang pagyamanin naman ang kanyang culinary expertise sa kanyang mga halamang pananim at mga alagang hayop.
Ang tsokolate batirol ni Nanay Neneth KusiNanay ay hinahaluan din niya ng unique and exquisite secret herbs and leaves na matatagpuan sa kanilang farm.
Sa ginawang launching noong nakaraang Sabado ng masarap na inuming tsokolate batirol sa buho, pinatikim din ni Nanay Neneth ang kanyang mga bisita ng mainit at masatap na soup gamit ang buto ng “bitik,” pinagsamang breed ng bibi at itik na alaga nila sa kanilang farm na nilagyan niya ng dahong langkawas na pampalasa at pampalinamnam. Ang langkawas ay isa sa mga pananim niyang herbs sa kanilang farm.
Sa farm na ito, ang mga turista ay maaring magtanim, umani ng mga pananim, lutuin ito o ipaluto ayon sa kalutong gusto, pumili din ng alagang hayop na kanilang lulutuin o ipalaluto. Mayroong baboy ramo, bitik at kabir at iba pang hayop na alaga sa farm.
Ang Madrona’s Jungle Edge Farm ay hindi lamang isang tourist destination bilang glamping site, ito rin ay isang livelihood provider para sa mga native na residente partikular sa mga kabataan sapagkat dahil sa tsokolate batirol sa buho ay bibilhin i ni Nanay Neneth ang mga kawayan mula sa mga ito.
Isa ang 18 anyos na estudyante ng Talbak High School na si Leinard Arboso sa mahigit 100 kabataang scholar ng munisipyo ng DRT sa pangunguna ni Mayor Marie Flores na nagtatanim ng mga kawayan bilang environment ambassadors ng DRT. Ayon sa kanya, kailangan nilang magtanim ng 20 puno ng kawayan dalawang beses isang taon, tuwing Enero at Hulyo upang palitan ng mga nagamit na.
Ang glamping site naman ay pinalagyan ng signal booster ng anak ni Nanay Neneth na si Gratian Madrona bilang dagdag na amenity sa kanilang mga guests.
Labis na ikinatuwa ni Jaime Corpuz, culture and heritage icon at author ng mga libro ng kalinangan sa Bulacan ang paghahain sa Bulacan ngayon partikular sa farm ng DRT bilang umuusbong na tourism capital ng lalawigan ang tsokolate batirol sa buho sapagkat lalo itong magpaparamdam sa mga turista ng angking yamang kultura ng mga mamamayan at ang mas malapit na nature encounter nito.
Ang tsokolate batirol sa buho ay organic farm to table drinks na hindi tulad ng mamahaling inumin sa mga sikat na coffee and milk tea shops sa kapatagan na commercialized na ang pag proseso.
Ang Talbak ay isa lamang sa 8 bulubunduking barangay ng DRT kabilang ang Pulong Sampaloc, Camachile, Bayabas, Kabayunan, Sapang Bulak, Talbak, Camachin and Kalawakan na paborito ng daan-daang mga mountaineers, bikers, motorcycle riders, hikers, trekkers at iba pang nature adventurists.
Bukod sa mga kabubdukan gaya ng Mt. Sumag, Tanawan, Silad, Sumacbao, Palanas, Lumot, Mabio, Susungdalaga, Silid, Balistada Hill, Digos hill, Mount Gola, Tila Pilon and Mount Manalmon, ang DRT ay mayaman sa mga falls o talon tulad ng mga pinaka sikat na Verdivia Falls, Talon ni Eva Falls, Talon Lucab Falls, Talon Pedro falls, Talon Pari Falls, 13th Falls and Zamora Falls. The rivers are Balaong at Madlum River.