Atty. Gemma Santos, bagong talagang pangulo ng Kabesera Inc.

Published

BULAKAN, Bulacan—Pinangungunahan ngayon ni Atty. Gemma Santos ang Kabesera Inc., ang samahang pangkalinangan ng Bulakan, na nagtataguyod sa kasaysayan, sining, at pamanang bayan nito.

Kasama pa ang ibang mga bagong talagang pinuno ng samahan, si Atty. Santos na anak ng yumaong kinikilalang lokal na historyador at dating principal ng Gen. Gregorio Del Pilar Elementary School na si Mariano Santos ay manunungkulang pangulo para sa taong 2023-2024.

Kasama niya ang muling nahirang na si Jose Antonio Rodrigo, bilang pangalawang pangulo (external relations ), Patrick DC Catindig, pangalawang pangulo (youth engagement), Narwin Cardinoza Gonzales, pangalawang pangulo (cultural mapping), Carmela Reyes-Estrope, kalihim at Patrick DC Catindig, ingat-yaman.

Patuloy pa ring hinirang na Tagapangulo ng Lupon ng Kabesera si dating Secretary Fortunato Dela Pena ng Department of Science and Technology (DOST) at mga kasama sa lupon na sina—Patrick DC Catindig, Denia Mauricio-Clacio, Vicente S. Enriquez, Perfecto Teodoro Martin, Gemma M. Santos at si Resurreccion G. Villanueva.

Limang taon na ngayon simula ng pagkakatatag ng Kabesera Inc. noong 2018 ay marami na itong naisakatuparang mga proyekto upang makatulong sa pagpapalakas, proteksiyon, preserbasyon at mga bago o dagdag na mga pagsasaliksik upang pagyamanin pa ng higit ang kasaysayan, kultura at herensiya ng Bayang ng Bulakan, ang dating kabsera ng buong lalawigan.

Nitong nagdaang taong 2022, sa pangunguna ng sinundang Pangulo ng Kabesera Inc. na si Perfecto Teodoro Martin ay naglunsad ang samahan ng kalendaryong “2023 Bulakan Bayang Pamana” kung saan ay itinanghal ang maraming makasaysayang lugar at pamana ng Bayan ng Bulakan. Kanilang dito ang “bulak” bilang simbolo at pinagmulan ng pangalan ng kasaysayan ng bayan at ng lalawigan, ang dambana ni Gat. Marcelo H. Del Pilar, ang simbahan ng Nuestra Senora Dela Asuncion, ang isang naging matinding baha sa kasaysayan ng bayan, ang lumang munisipyo ng Bulakan, Club de Mujeres ng Bulakan o mga grupo ng kababaihan, “Asinan sa Nagtaip,” at marami pang iba.

Ngayong 2023, sa ilalim ni Martin at ipinagpapatuloy ni Santos ay isinasakatuparan ang cultural mapping ng buong Bayan ng Bulakan, kung saan dinidiskubre at itinatatala ang bawat kasaysayan, kultura at herensiya ng mga lansangan, purok, barangay, at hinahalayhay ito bilang movable tangible, immovable tangible at iba pa, bilang kategorya para sa preserbasyon at pangangalaga ng mga ito.

Mahalaga ang cultural mapping upang makatulong ang Kabesera sa pamahalaang bayan sa zoning projects nito upang mapangalagaan ang mga lugar at mga bagay na mayaman sa kasaysayan, kultura at herensiya ng Bayan ng Bulakan lalo na sa nalalapit, ilang taon mula ngayon na pagbubukas ng New Manila International Airport na proyekto at pag-aari ng San Miguel Corporation.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Say Bye To Red Flags and Hello To Green Flags

TanTan Tribe Officially Launches To Provide An Inclusive and...

FREE Ugly Xmas Sweater Tonight: UNAWA’s Road to 12.12 TikTok Live at 11 PM!

Tune in to UNAWA's Road to 12.12 TikTok Live...

How Babylon Bitcoin Staking Works and 9 Important Things to Know

Discover Babylon Bitcoin Staking: a secure, decentralized way to...

Comprehensive Guide to Bitcoin Staking on Babylon via Bitrue APR Up To 2,3%

Unlock Bitcoin's potential with Babylon and Bitrue! Stake BTC...