Bocaue bridge, love lock spot na ngayon, bahagi ng ‘River Wonder’ ni Mayor Joni

Published

BOCAUE, Bulacan–Inaasahang magiging all year round nang tourist attraction ang Bocaue River at tulay nito at hindi na lamang tuwing kapiyestahan lamang ng Krus sa Wawa matapos gawing Love Lock Bridge ang lugar.

Inagurahan noong Miyerkules ang elevated overview deck na may Love Lock Fence sa ibabaw ng Bambang bridge kasabay ng pagbubukas nito matapos gawain at palitan ng bago.

Mahigit P9,000,000 halaga ang ginastos sa Love Lock Fence sa over looking view deck na proyekto ng namayapang si Mayor Joni Villanueva kasabay ng proyekto rin niyang replacement ng nasabing tulay.

Si Senator Joel Villanueva sa kanyang Love Lock padlock. Nasa likod niya si DPWH First District Engineering head Henry Alcantara. Larawan ni Mac Eleogo

Isinulong ng yumaong punong bayan ang proyekto noong siya ay nabubuhay pa upang matanaw at mapanood ng mga mamamayan maging ng mga turista mula sa ibabaw ng tulay ang Pagoda na lumiligid sa ilog ng Bocaue tuwing Hulyo kapistahan ng Mahal na Poong Krus sa Wawa. Ang malaking tubo kasi ng water supply sa Bayan ng Bocaue ay sa may gilid ng tulay kinailangang ikabit na nakaharang sa pagtanaw sa ilog mula sa ibabaw ng tulay.

Nagawa ang proyekto sa pagtulong ni Senador Joel Villanueva na mapondohan ito.

Si dating Bocaue Mayor Eduardo “JJV” Villanueva Jr. sa kanyang padlock sa Love Lock fence sa Bambang-Poblacion bridge. Larawan ni Mac Eleogo

Sa nasabing ilog naganap ang Pagoda Tragedy noong 1992 kung saan halos 300 deboto ang nalunod at namatay ng tumaob ang overloaded na pagoda. Simula noon ay mahigit dalawang dekadang hindi na muling naglayag ang pagoda dahil sa pagluluksa.

Kasabay ng pagtigil sa paglaot ng pagoda ay tunamlay din ang pagsulong ng Bocaue kaya’t sa pangunguna ni dating Mayor Eduardo “JJV” Villanueva Jr. noong panahon niya, taong 2014 katuwang ang negosyanteng si Ruben Mercado ay muling naglayag sa ilog ng Bocaue ang nasabing pagoda.

Ayon sa senador, nakilala pa rin ang Bocaue River bilang bahagi ng Thirty Dirty Places in the World noong early part of 2000 subalit ang mga ito ay nakaraan na at ang kasalukuyang pagsasaayos ng Bocaue River at mga programang lalong muling magpapasigla sa kultura at turismo ng Bocaue at ng lalawigan ang siyang pinakamahalaga.

Nanguna ang senador kasama ang kapatiid, dating Mayor JJV at bayaw nito, asawa ng namayapang alkalde, dating CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna sa pagkakabit ng padlock na simbolo ng sarado at mahigpit na pagmamahal sa kani-kanilang mga kabiyak ng buhay.

Pamoso sa Paris, Korea at sa iba pang bansa ang nasabing Love Lock bridge para sa mga magsing-irog at mag-asawa. Pinaniniwalaang lalong titibay at hindi maghihiwalay ang isang couple kung maglalagay ng padlock doon at magwi-wish sabay tapon ng susi nito sa ilog upang hindi na muling mabuksan nino man.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Revolutionizing Water Treatment: AQUARING’s Advanced Technology for a Healthier, Sustainable Future

Reurasia management corporation AQUARING, an Italian company revolutionizing water treatment...

Companies, stop striving for zero complaints

MANAGEMENT STRATEGIES Your customers' complaints could be the goldmine you’re...

IMPULSES: Indigenous struggles, speculative hope

 Herman M. Lagon It was an emotional moment when Rynshien...

Statement of the Commission on Human Rights welcoming RA 12006 or the Free College Entrance Examinations Act

The Commission on Human Rights (CHR) welcomes Republic Act...